Napahinto ako nang may madaanang Jollibbee. It brings back memories.
Bumaba ako ng kotse at naglakad patungo sa jollibee. Inayos ko muna ang damit ko bago pumasok sa loob. Maikli lang ang pila kaya mabilis akong nakaorder, umakyat ako sa taas at naghanap ng pwestong tago.
"Mommy sakin lang po yung chicken ah!"
Napalingon ako sa pamilya na nasa hindi kalayuan.
"Anak, tig isa kayo ni baby", sabi ng mommy niya.
"No ! I want the two chickens!", sagot naman noong batang mukhang 7 or 8 yrs old? Tapos sa tabi niya ay yung mas nakababata niyang kapatid na walang kamuang muang sa mga nangyayari.
"Anak, diba you want to be a good ate to your sister?", malambing na tanong ng papa niya at tumango naman siya.
"Then you should give her one"
"Okay, I'll give this to you na so that we both have chickens !"
Pumapalakpak na sabi noong nakakatandang babae, napangiti naman yung kapatid niya. Ilang sandal nang mabigay niya ang manok ay nalungkot siya nang makitang tinitignan lang ito ng kapatid niya.
"Mommy? I think she can't eat it. Ah! I know what to do!"
Hinimay himay niya yung chicken at sinubo ito sa kapatid.
"Sarap?", masaya niyang sabi, nakangiting tumango yung nakakabatang kapatid habang magiliw silang pinapanood ng mga magulang nila.
Hindi ko napansin na napatulala na pala ako doon sa pamilya kaya agad akong nag iwas ng tingin at tinignan ang pagkain ko. Suddenly I felt lonely.
Dati ganyan din kami , dito kami lagi dinadala ni papa kapag nakasahod na siya. Masaya kaming kumakain, nagtatawanan at nagbibiruan.
Pero noon yun hindi na ngayon. Wala nang papang magyayayang magjollibee dahil bagong sweldo siya, wala nang mamang maghihimay ng pagkain ni Autumn. Wala na, kasi patay na sila. Namatay sila sa isang aksidente, lumubog yung barkong sinasakyan nila. Nahanap ang katawan ni mama pero kay papa wala. Dati umaasa pa ako na baka buhay siya na isang araw kakatok siya sa pinto na may dalang jollibee pero ilang taon na rin ang nakalipas, nakakapagod maghintay at umasa sa wala.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit paborito ko ang chickenjoy dahil mahilig kaming pamilya kumain nito.
"Ahm. Excuse me", tawag ko dun sa staff at lumingon siya sakin
"Yes mam?", tanong niya nang makalapit saakin.
"Paki take out ito"
BIgla akong nawalan ng gana kumain.
"Okay po mam"
Kinuha niya yung order ko at bumaba na. Habang naghihintay ay biglang nag ring ang phone ko.
[ Nightmare ! Nasan ka?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Diba kakasabi ko lang na mag ingat ka kasi maraming naghahanap sayo?!!---]
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay pinatay ko agad ang tawag. She's nagging again.
Maya maya ay dumating na yung staff at binigay sakin ang order ko. Kinuha ko ito at umalis na. Imbes na umuwi na ay niliko ko ang kotse dahil may naisipan akong puntahan, mukhang hindi magandang ideya na umuwi na dahil galit si Chloe ngayon. Saglit akong dumaan sa flowershop para makabili ako ng bulaklak.
Nilapag ko yung bulaklak pati yung inorder ko sa Jollibee sa puntod ng mga magulang ko,. Tinanggal ko yung salamin ko at wig ko, nakaramdam naman ako ng kaginhawaan nang mawala ito.
Nakakalungkot kahit hindi pa nakikita ang katawan ni papa ay sinabing patay na siya. Makalipas ang 10 taon noong maaksidente ang mga magulang ko ay agad inasikaso ng mga kamag anak ko ang libing ni papa kung saan dinideklara na nilang patay ito. Bata pa ako noon kaya wala pa akong magawa . Pagkatapos malibing ay kinuha nila lahat ng ari arian namin at walang natira samin. Yung tinitirhan ni Autumn ngayon siya lang ang natatanging kamag anak na medyo nakonsensya at pumayag ampunin ang isa samin, pero sabi niya hanggang highschool niya lang daw kayang pag aralin si Autumn buti nalang nakatapos na ako ng college nang 4th yr highschool na si Autumn.
Nakakatawang isipin na mismong kamag anak namin ang tumaydor saamin, lalo na sa mga magulang ko. Para bang matagal na nilang hinihintay na mamatay sila.
"Sorry "
Salitang unang lumabas sa bibig ko dahil simula nang mag trabaho ako ay hindi na ako nakakadalaw dito dahil wala akong mukhang maiharap sa mga magulang ko.
Ma , alam kong alam mo ang mga pinaggagawa ko dito at malamang hindi ka masaya at dissapointed ka. Siguro kung nabubuhay ka baka tinakwil mo na ako bilang anak mo dahil ganito ako ,ganito ang trabaho ko.
Noong mga bata palang kami laging sinasabi nila mama at papa na susundin namin ang sampung utos ng Diyos at lagi kaming nagsisimba. Ayaw ni mama na nakikipag away kami o nagsisinungaling kami lalong lalo na nananakit kami ng kapwa namin dahil masama raw iyon, pero tignan mo ko ngayon hindi lang ako nananakit, pumapatay pa ako ng tao.
Pero sana maintindihan mo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi nagkulang. Hindi ko na hihilingin na bantayan mo ko o pakiusapan ang Diyos na ingatan o iligtas ako na hindi naman niya malamang gagawin. Si Autumn nalang tsaka si Papa kung buhay pa siya.
Huminga ako ng malalim, mas okay na kung hindi malalaman ni Autumn ang katotohanan ang alam lang niya ay isa akong secret agent sa mabuting paraan, hindi isang bayarang tao na nagpaparalyze o pumapatay ng tao. Alam ko na kahit na may pamantayan ang pagpili naming sa mga client naming hindi nito majajustify ang mga masasama kong ginawa.
Okay lang kung magiging isang stranger na lang ako sa buhay niyo. Dahil kahit ako , ayokong mabahiran ng isang katulad ko ang pamilya natin. Pero di ko tatakasan ang responsibilidad ko kay Autumn. Deserve niyang magkaroon ng marangya at masayang buhay. Hindi katulad ko. Pasensya na kung ngayon lang po ako nakadalaw at mukhang kailangan ko na rin umalis .
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko at tumingala ako. Hindi ko na kayang tumayo sa harap ng puntod niyo, para kasi napakarumi kong tao.
Wala na tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at mukhang hinding hindi na ako makakatakas dito.
✖✖
Nakakarinding tunog ng computer at cellphone ang gumising saakin. Ibenta ko na kaya yung apat kong computer para hindi ganoon kalakas kapag may tumatawag. Inaantok kong binuksan ko yung lampshade sa gilid ng kama ko at kinuha ang phone ko.
"What? Di mo ba alam na madaling araw na?!", sigaw ko sa phone ko habang nanatiling nakapikit. Hindi niya ba alam na kailangan kong magpahinga dahil pagod ako physically at...... emotionally.
[ chill nightmare. Chill lang ! Emergency to ]
"Siguraduhin mo lang kundi humanda ka sakin", may pagbabanta kong sabi.
[ Opo ...Opo ]
"Bilis!", may hint ng iritasyon sa boses ko.
[ nanood ka ba ng balita kanina ? ]
"mukha bang nanonood ako ng TV?! Just go straight to the point damn it."
Ginagamit ko lang TV kapag manonood ako ng movies which is sobrang dalang.
[ sabi ko nga ito na ito na. Ngayon ko lang napanood ! May sumukong babae sa mga pulis at sinabi niyang siya si nightmare ]
Bigla akong napadilat ako sa narinig ko.
"What the hell?!"
[ wait lang.. ito sabi pinasuko raw ng tito ni nightmare siya para matigil na rin ang pagpatay tapos nagsumbong din sa pulis ang kapitbahay na siya nga yung hinahanap . Saktong pasuko na si nightmare ay napaliligiran na siya ng mga pulis. Nahuli siya sa isang kainan kung saan kumakain sila ng tito niya. Yan yung sabi sa balita. Kanina pa binalita yan noong mga panahong nawawala ka! ]
"Dont call her nightmare ! She's not me."
Mariin kong sabi. Napaka obvious naman ng plano nila. Halatang kasabwat ang tito at kapitbahay. Malamang, ginawa lang nila ang kwento na yun . Tumawag talaga yung kapitbahay para ipahuli ang impostor yun tapos aarte siya na kunwari nagulat siya ang ending makukulong siya pero makukuha ang perang pabuya. Bilib ako na handa siyang mamatay o mabulok sa bilangguan para sa pera?
[ anong plano mo? ]
"hmmm. We'll see. Anong sabi ni Detective Kyron?"
Kapag naniwala siya, I will be very disappointed.
[ well wala akong narinig mula kay Detective Kyron, hindi ko rin siya nakita sa balita. Parang wala nga siya dun eh. Siya pa naman ang may hawak ng kaso mo..... Wait ito Ayon sa reporter ayaw daw magbigay ng statement ni Detective Kyron]
Probably he is so torn whether to believe or not.
"Give me the link papanoorin ko"
[ okay , pero nightmare don't you think na okay na rin na may sumuko para hindi kana pag iinitan ng mga pulis. ]
"Stupid, edi nawalan tayo ng kliyente at ayokong may nanggagaya sakin"
Wala ring thrill kapag wala nang pulis na humahabol saakin. Binaba ko ang tawag at bumangon. Pumunta ako sa computer at clinick yung link na sinend ni Chloe. Nagplay yung video kung saan bumaba sa van ang isang babaeng nakaposas at hawak hawak ng mga pulis. Marami ring mga reporters sa gilid.
Nahuli na po sa wakas ang isa sa mga wanted na serial killer na matagal ng hinahanap dito sa Pilipinas,kilala siya sa pagpaparalyze ng mga biktima niya kung saan halos bilang lamang sa mga ito ang nakakarecover. Siya ay kilala sa codename na nightmare. Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad . Wala naman kaming narinig na kahit anong pahayag mula kay Detective Kyron Drei Lopez na may hawak sa kasong ito.
Flinash naman sa screen yung mukha ng babaeng nagpapanggap na ako at yung sketch na meron ang pulis kung saan nakamask ako at nakasuot ng cap kaya mata lang ang nakikita saakin, masasabing medyo hawig nga ang mga mata nami. Mata lang nagdala, mata lang kasi nakikita eh but still I'm nightmare, I'm unique and no one can imitate me
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Chloe
[ wow for the first time in forever , ikaw ang tumawag sakin ! ]
"Send me information about that b*tch"
--------------