Binuksan ko ang pinto ng office ko at dirediretsong naglakad patungo sa study table ko. Pinatong ko ang mga kamay ko sa table at tinignan silang tatlo. " I need an update now " Tumayo si Charlene at lumapit sakin. Umupo ako sa swivel chair at nilapag naman niya yung folder na hawak niya sa harap ko. Binuksan ko ito at iniscan. Mga basic information tungkol sa kaso ni Rafael Wilson ang nakasulat sa unang pahina. He died on December 6, 1979, at 2:35 am. Hmm, he seems to be out so early. "So? What did you found out?" Nilipat niya sa pangatlong page yung laman ng folder kung saan may dalawang sketch ng lugar ang nakadrawing dito. "Bago mamatay si Rafael wilson nakita siya na nagddrive papunta bridge na yan kung saan walang cctv. The report said that he was driving home pero look at t

