"Nasa loob na ako"
[ okay nahack ko na ang cctv sa may elevator ]
Inayos ko yung cap ko at dire diretsong pumasok sa may elevator. Kasalukuyan akong magdedeliver ng pagkain kay Mr. Erik Gonzales at ngayong gabi ko rin gagawin ang mission ko
Tumunog ang elevator senyales na nandito na ako.
[ nahack ko na rin ang cctv diyan sa hallway at office niya ]
Lumabas ako ng elevator at naglakad patungo sa office ni Erik Gonzales. Nakayuko akong pumasok sa loob.
"Delivery po"
Sinilip ko yung secretary na busy sa pagta-type sa computer.
"Paki lagay diyan. Saglit lang"
Hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa computer , sinunod ko naman ang sinabi niya. Ilang sandali lang ay inabot niya ang telepono at may pinindot.
"Good evening sir. Nandito na po yung pagkain niyo... okay sige po",binaba niya ang telepono.
"Paki pirmahan nalang po tsaka yung bayad"
Inabot ko yung papel at ballpen. Habang busy sa pagpirma ang secretary ay kinuha ko sa bulsa ang injection at walang alinlangan na sinaksak ito sa leeg ng secretary. Nanlaki ang mata niya at nabitawan nito ang ballpen. Agad itong nawalan ng malay.
Patutulugin lang kita sandali.
Inalis ko na ang injection at nilagay sa loob ng jacket na suot ko. Okay its show time.
Kumatok ako sa pinto.
"Pasok"
Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob. Nadatnan ko ang isang lalaking nakaformal attire na seryosong nakatutok sa kanyang laptop.
"Ilapag mo nalang diyan Claire",sabi niya nang hindi tumitingin sakin, napangisi naman ako. Nilapag ko ang pagkain sa table. Mukha siyang nasa mid 40s na , magara rin ang kwarto niya . Sa likod niya ay may isang malaking bintanang salamin kung saan tanaw na tanaw mo ang buwan.
"Bakit di ka pa naalis--"
Nag angat siya ng tingin at nagulat nang makita ako.
"Sino ka? Nasan ang secretary ko?"
Nilapag ko ang bag na dala ko na laman ang pampalit ko para mamaya. Dahan dahan ko siyang nilapitan.
"Subject , Mr. Erik Gonzales",malamig kong sabi.
"Anong ibig mong sabihin? Sino ka ? anong kailangan mo sakin ?!"
Napatayo siya sa pagkakaupo niya at akmang kukunin niya ang phone niya sa table ng saksakin ko ng kutsilyo ang phone kaya nasira ito. Nakita ko namang nanginig sa takot si Erik dahil halos 1 inch lang ang layo ng phone sa kamay niya, kung nahawakan niya yung phone malamang kasama ang kamay niya sa nasaksak ko.
"Wag mo kong sasaktan ! Magkano ba kailangan mo?!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Dapat talagang inaalis ang mga katulad niya sa mundong ito eh. Nilabas ko ang baril ko na hindi bala ang nilalabas kundi parang needle na may lason sa loob. Poison dart gun daw ang tawag dito sabi ni Chloe. Ito yung ginagamit ko sa pagparalyzed ng mga biktima ko.
[ wag mo na patagalin nightmare ]
"Wag mo kong patayin maawa ka! Ibibigay ko kahit ano!"
"Sagutin mo ang tanong ko"
Nanginginig siyang tumango. Gamit ang isang kamay ko na nasa bulsa ko clinick ko yung pen recoder ko.
"Pinatay mo ba ang anak ng kapatid mo at ang kapatid mo?"
"W-wala akong pinapatay!"
"Wrong answer"
Mabilis kong hinablot ang isa pang kutsilyo sa likod ko at agad na binato ito sa vase na malapit sa kanya. Nabasag ito at napatalon siya sa gulat.
"S-sagutin ko na. Oo pinapatay ko sila ! Si kuya Erol, siya ang dapat magiging CEO kaya pinapatay ko siya para sakin malipat. Yung pamangkin ko naman, nalaman niyang pinapatay ko ag Kuya kaya wala akong choice kung hindi patahimikin sya, tatakutin ko lang naman dapat siya kaso hindi sinasadya noong inutusan ko na mapatay yung bata. Wag mo kong patayin please maawa ka!"
Muli kong clinick ang ballpen para ioff ito.
"Hindi mo na ba ako papatayin?! Sinagot ko na yung tanong mo! Paalisin mo na ako!"
Nakakairita masyado siyang maingay.
"Wag kang matakot mamatay kasi mamatay din naman tayong lahat, mauuna ka nga lang.",at tuluyan ko na siyang binaril sa puso. Pagkatamang pagkatama ng dart sa puso niya ay agad siyang bumagsak.
Bye.
Dinampot ko ang bag ko at lumabas na. As soon as tumama sa kanila ang dart na may poison mabilis na kakalat ang lason na ikakatigil ng sistema ng katawan nila na ikapaparalyze nila.
Dumiretso ako sa CR at nagpalit ng damit. Binaliktad ko rin ang bag na dala ko. Ngayon nakadisguise naman ako ng pang janitor. Inayos ko ang wig ko at lumabas na ng CR. Sakto may nakita akong matandang janitor na may bitbit na basura.
"Ako na po diyan"
Nagulat ang matanda sa pagsulpot ko.
"Osge hija."
Inabot niya sakin ang dalawang malaking plastic. Akmang aalis na ako ng biglang hawakan ni manang ang braso ko.
"Teka bago ka ba dito? Ngayon lang kiya nakita."
Umiling naman ako
"Ganun ba."
Nagtatakang sabi nito. Binitawan na ako ng matanda at naglakad na ako paalis. Pinasok ko yung bag ko sa plastic ng basura. Dire diretso lang ako kung maglakad walang nagsusupentsya sakin. Sa may fire exit ako dumaan. Paglabas ko ay parking na. Kinuha ko ang bag ko at tinapon ang mga basura sa basurahan.
May nasalubong akong dalawang guard na nagmamadaling tumatakbo.
"Patay na raw si Sir Erik !",sabi nito sa kasama niya.
FYI manong guard paralyzed lang po siya nafake news po ata kayo.
Infairness , ang bilis nilang nalaman ah , siguro gising na yung secretary. Dapat pala yung mas matagal na pampatulog ang ininject ko.
Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nagdrive na paalis.
[ mission accomplished ]
Tinanggal ko na yung earpiece ko at inon ang stereo.
✖✖
9:30 pm @ Coffee shop
Tahimik akong nagbabasa ng paborito kong libro sa gilid. Wala namang makakakilala sakin kasi nakadisguise ako. Nakabonet at salamin ako, nakaladlad din yung buhok kong reddish brown tapos naka jacket ako, ripped jeans at black boots. Para lang akong college student..
Ininom ko yung kape ko nang biglang may umupo sa harapan ko kaya napa angat ako ng tingin at halos mainom ko na yung buong kape sa pagkabigla sa nakita ko kaya napaso yung dila ko.
"Pwedeng makiupo Miss?"
Binaba ko ang baso at hindi ko pinahalata na napaso ako. My goodness, ang sakit ng dila ko parang gusto kong ilabas ang dila ko at buhusan ng malamig na tubig. Yumuko ako para hindi niya makita yung mukha ko.
"Nakaupo kana", malamig kong sabi. Sa dinami rami naman ng upuan bakit dito pa?? tsaka bakit ba kung nasan ako nandun din itong detective na to. Napatingin ako sa relo ko. Okay di na ako tatambay sa cafe ng 9:45pm . Babaguhin ko na ang schedule ng pagtambay, ako na ang mag aadjust para sa kanya. Nakakahiya naman.
"Ahm. Miss okay ka lang? Namumula yung tenga mo?"
Akmang hahawakan niya ako pero agad akong tumayo. Hello sino kayang magiging okay kapag napaso ang dila nila , bigla bigla ka naman kasing sumusulpot nagulat tuloy ako! Gusto ko siyang sapakin pero syempre hindi ko gagawin yun no.
Niligpit ko ang gamit ko at nagmamadaling umalis. Wala talagang nagagawang mabuti yang detective na yan sa buhay ko eh. Tuluyan ko na kaya yan? Pasalamat siya inosente siya kaya hindi ko siya magalaw .
Bago ako lumabas ay nanghingi ako ng tubig. Hindi ko na kinaya yung paso sa dila ko jusme.
Pagpasok ko sa bahay ay agad na bumungad sakin si Chloe.
"Anong ginagawa mo rito."
Binaba ko ang bag ko at tinanggal ko ang bonet ko.
"Dinalhan kita ng dinner baka kasi mamatay ka kakafastfood mo concerned citizen here"
Hindi ko pinansin ang pinagsasabi niya at nilagpasan siya pero bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya napatigil ako.
"Teka okay ka lang ba? Namumula ka"
Concerned na tanong ni chloe pero tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin at kumuha ng tubig.
"Galing ka na naman sa cafe no? Bawas bawasan mo nga ang pagpunta dun mamaya may makakilala pa sayo"
Talagang babawasan ko na ang pagpunta dun no lalo na't pumupunta rin pala ang kumag na detective na yun dun. Humanap na lang kaya ako ng ibang tambayan pero ako kasi ang nauna bakit ako ang mag adjust para sa kanya.
"Okay."
"Ang dali mo naman kausap. Anyway , nalagay na yung bayad sa account natin. Natanggap na rin ni Erika yung voice record as usual inadjust ko yung boses mo para di makilala. Galit na galit siya sa kuya niya"
"Okay. Magpapahinga na ako. Ilock mo ang pinto pag alis mo", walang pake na sabi ko, pagod na kasi talaga ako gusto ko na lang mahiga sa kama at matulog.
"Sungit. Aalis na rin ako magkikita kami ni tito"
Napatigil ako. Tito? As in si silver kalbo?
"Si kalbo?"
"Hay kailan mo ba matutunang galangin si Tito Silver? Siya pa naman ang nagtrain satin !"
Si matandang silver kalbo ang nagtrain samin ni Chloe. Dati niya kasing trabaho ito pinasa niya lang kay Chloe . Sa kanya ko natutunan lahat ng skills ko, as in lahat. Thanks to him. Siya rin ang tumayong magulang namin ni Chloe kasi separated ang parents ni Chloe at wala siyang gustong samahan sa kanila kaya kay kalbo siya sumama . Sinusustentuhan nalang siya, samantalang ako pinautang ako ni kalbo para makapagtapos ng pag aaral. Hindi man halata pero nakapagtapos ako ng college. Nabayaran ko na rin naman ang utang ko sa kanya may interest pa.
"Kalbo parin siya"
Pero aaminin kong namiss ko na ang kalbong yun. Wala akong ideya kung nasaan na siya kasi simula noong nagretire siya umalis siya ng Pilipinas at nagpunta sa iba't ibang bansa.
"Psh. You're hopless."
"I-hi mo nalang ako sa kanya"
"Whatever! Iinit mo nalang yang pagkain bukas kung di mo kakainin ngayon. Alis na ako byee!"
Kamusta na kaya yung matandang kalbo na yun? Buhay pa pala siya.
--------------------