Chapter 14

1393 Words
Sa bawat hakbang ko ay rinig na rinig ko ang takong ko. Hindi ako sanay na naka formal attire para akong nasasakal pero ganun pa man , taas noo akong lumapit sa receptionist habang nakasabit ang bag ko sa kaliwang braso ko at hawak hawak ko ang brown envelope ko na naglalaman ng resume ko.   "Good afternoon mam , what can I do for you"   "I'm scheduled for a job interview today"   "Your name please"sabi niya ng hindi nakatingin sakin at may tinatype sa computer.   "Maxielle Perry"   Saglit siyang tumingin sakin at muling pinagpatuloy ang pagttype sa computer. Muli siyang humarap sakin at nginitian ako.   "This way mam"   Tinuro niya yung way sa kanan. Tinanguan ko siya at naglakad na papunta roon. Ako yung sinasabi kong mag sspy dito sa kompanya nila Connor , wala naman kasing ibang pwedeng gumawa. Busy si Nine sa ibang mission mas lalo naman si Charlene sa mga kaso na hawak niya , hindi rin naman pwede si Chloe. So its me or its me. Nakita kong may mga naka formal attire rin katulad ko na nakaupo sa labas at may mga dala dala ring envelope at folder. Actually parte to na plano , sinabi ko kay Connor na magkaroon ng hiring para hindi kahina hinala na biglang nagkaroon ng bagong empleyado at syempre ako ang pipiliin. Sinabi ko na sa kanya yung pangalan ng magsspy sa company niya. Which is yung fake name na gagamitin ko. Pinaayos ko na rin kay Chloe yung mga pekeng documents ko at ID. Umupo ako sa pinaka dulo. May apat na tao pa bago ako.     Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at parang nag slow mo ang lahat. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita si Detective Kyron na lumabas sa pinto at slow mo siyang naglakad . Hindi ko alam pero natulala ako sa kanya hindi ko na rin namalayan na nakatingin na rin pala siya sakin . Naputol ang slow mo at pagtitigan namin ng malagpasan niya ako. Bat parang bigla akong kinapos ng hininga?, ano ba yun ! Napasuklay ako ng buhok gamit ang kamay ko at mariin na napapikit.   What the hell is he doing here?   Namumukhaan niya kaya ako? Pero ang sabi ni Chloe hindi naman daw ako nilapitan ni Kyron nung nakabulagta ako sa parking lot noon. Pero bakit sa mga tingin niya parang kilala niya ako? Oh my gosh !! Right ! Napasapo ako sa noo ko.  Nakitable pala siya sakin noon dun sa coffee shop na tinatambayan ko at wala akong disguise well meron pero nakasalamin lang ako nun at bonet at dahil may photographic memory siya di malabong maalala niya yun. Posible kayang namumukhaan niya ako ? Eh kaso nagpa black ako ng buhok ngayon tapos naka contact lens din ako . Kinuha ko agad ang phone ko at tinext si chloe.   To : Chlorine Alamin mo kung bakit nandito si detective kyron.   Mas mabilis pa sa kidlat ay nagreply siya agad   - Fr :Chlorine HALAA ! nandyan si Fafa Kyron?     - To : Chlorine Papa mo? Pwede ba Gawin mo nalang yung sinabi ko.   - Pagkasend ko nun ay tinago ko na ang phone ko. Bakit naman kaya siya nandito? Anong connection niya kay Connor Wilson?   "Next"   Napatingin ako sa babaeng nasa may pinto tapos nilipat ko ang tingin ko sa mga katabi ko. Wala na pala akong katabi. Tumayo ako at pumasok na sa loob.   "Good afternoon mam"   Bati ko roon sa mag iinterview sakin at inabot sa parang assistant niya yung folder na nasa loob ng brown envelope ko. Binuksan niya ito at saglit na pinasadahan ng tingin.   "Good afternoon Ms . Perry. Have a seat"   "Thankyou"   Sinunod ko ang sinabi niya at umupo. Muli niyang tinignan ang resume ko tsaka tumingin sakin.   "So---"   Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok. Pumasok ang isang lalaki na medyo mukhang nasa mid 40s na at naka formal attire rin. Lumapit siya sa mag iinterview sakin at binulungan ito. Seryosong nakinig ang mag iinterview sakin , saglit siyang napatingin sakin at tumango. Lumayo ang lalaki at seryoso akong tinignan.   "Pinapatawag ka ng CEO Ms. Perry"   Napakunot ako sa sinabi niya.   "Siya ng bahala mag interview sayo"   Inabot niya ang folder dun sa lalaki. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha kung bakit ako pinatawag ng CEO.   "Follow me ms. Perry"   Tumayo ako at tumango dun sa mag iinterview dapat sakin tsaka sumunod dun sa lalaki. Sobrang laki ng hakbang niya ! Kaya wala akong nagawa kung hindi bilisan ang lakad ko para maabutan siya. FYI lang manong nakaheels po ako at kung sakaling di mo po alam medyo mahirap maglakad ng nakaheels. Tahimik kaming sumakay sa elevator. Nung nasa 20th floor na kami ay lumabas na kami ng elevator. Ang taas naman pala ng office nung Connor na yun. Napaka high tech nung glass door , tinapat ni manong yung ID niya sa scanner at bumukas ito tsaka kami pumasok. Pagpasok namin , hindi agad pinto ang bumungad samin kundi makipot na  hallway . Naglakad pa kami ng onti tsaka kami nakarating sa office ni connor. Sa gilid ng pinto ng office ni Mr. CEO ay may cubicle. Kumatok siya ng tatlong beses at pinindot ang black botton sa gilid ng pinto.   "Nandito na po si Ms. Perry"     Makalipas ang ilang segundo ay automatic na bumukas ang pinto . Inabot niya sakin ang folder ko. Pagpasok ko sa loob ay agad na nagsara ang pinto. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod.   "Ehem?"   Dahan dahan siyang humarap sakin at ngumiti. I was taken aback by his face, didn't expect he would be this handsome.   "Ms. Maxielle Perry"   Agad akong natauhan nang tawagin niya ako sa fake name ko.   "Hindi mo na dapat ako pinatawag at hinayaan mo nalang ako matapos yung interview"   Naglakad siya ng onti.   "Wow para sa isang empleyado na kakahire pa lang medyo hindi ka marunong gumalang sa boss mo"   "Oh I'm sorry iisa lang kasi ang boss na kinikilala ko and that is definitely not you."   Sarili ko lang ang boss ko , ano siya siniswerte. Wala akong pake kung binabayaran niya ako o ano.   "Is that so?"     Ngumiti siya sakin at lumapit. Pinanatili ko ang seryoso kong mukha , ayokong ipakita na apektado ako sa presensya niya kahit na ang gwapo gwapo niya. Dapat sa mga ganito dinidisplay sa bahay eh. Halos kapusin ako ng hininga ng sobrang lapit na niya.   Nagulat ako ng bigla niyang hablutin yung folder na hawak ko at lumayo sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo siya sakin. Binuksan niya ito at binasa ang resume ko. Napailing ako at sinuot ang eyeglass detector  ko , high tech ang salamin na ito,  natatrack nito yung mga spy gadgets katulad ng mga trackers , cctv cameras , maliliit na camera , chips etc. Pwede rin itong gamitin para magzoom ng bagay bagay. Nagsimula na akong maglibot sa buong office niya. Napakalaki nito para sa isang tao kaya ng tumira ng isang pamilya rito.   Napatingin siya sakin at kinunutan ako ng noo pero binalewala ko lang siya at pinagpatuloy sa pagtingin sa office niya. Inon ko ang salamim ko para madetect kung merong spy gadgets sa paligid.   "Kung ano man ang hinahanap mo sigurado akong wala yun dito. Mahigpit ang security sa office ko at mas lalong humigpit nung nagsimula na akong magsuspetsya kay dad kaya ikaw at si Albert lang ang nakakapasok dito. Si albert yung naghatid sayo dito , kanang kamay siya ni daddy bestfriends sila. Maasahan natin siya dahil kahit siya nagsususpetsya na at handa siyang tumulong para kay dad."   Tama siya malinis ang office walang ano mang camera o chip na nagrerecord sa usapan. Humarap ako sa kanya.   "So is maxielle your real name? Hindi ka naman siguro nightmare no? You know nacucurious talaga ako kung anong itsura niya."   "Hindi ako pumunta rito para pag usapan ang ganyang bagay. Magsisimula na ba akong magtrabaho?"   "Nabasa mo na ba yung mga files na sinend ko kay nightmare?"     "Ofcourse."   I said as matter of fact. Anong akala niya pupunta ako rito ng hindi handa psh. Syempre binasa ko yun kilala ko na nga simula sa president which is si Mr. Michael Wilson hanggang sa mababamg posisyon. Inaral ko na rin ang blue print ng building na to.   "Well then , you're hired Ms. Maxielle , and you may start working now" -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD