"Okay, where is that damn teddy bear"
I mutter. Iniscan ko yung buong paligid gamit ang contact lens ko na may camera, connected din ito sa computer ni Chloe kaya nagkakaroon din siya ng access sa mga nakikita ko. Biglang may nakabangga saking bata , sinamaan ko siya ng tingin at napatakbo ito agad paalis.
Saan ba merong teddy bear dito sa amusement park? Hindi ako pamilyar dito dahil kahit kailan hindi ako nakakapunta dito, palagi kasing busy ang mga magulang ko kaya hindi nila ako nadadala rito.
"Chloe tell me saan may teddy bear dito"
[ ha? Di mo alam? Tao ka ba? ]
Nakasuot din ako ng earpiece kaya mayroon kaming communication ni Chloe.
"Can you please just answer my question"
Ang hilig niya laging sagutin ng tanong yung tanong ko.
[ fine . I'll tell you the direction ]
I started walking while Chloe is directing me on which path I should go. Napatigil ako nang makakita ako ng maraming teddy bear.
Bingo !
Agad akong lumapit doon at iniscan ang mga teddy bear na nakasabit.
"Maglalaro po kayo?"
Tanong nung babaeng nagbabantay pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napaatras siya.
"Yeheey !! I want that big one!"
Napalingon ako sa kabilang stall na may mga nakasabit din na teddy bear. Binigay nung nagbabantay yung teddy bear sa bata. Iniscan ko yung teddy bear at may nakita akong pulang bagay sa loob.
"I think I found it"
[ really? Can I see? ]
Tinutok ko ang paningin ko sa teddy bear na hawak ng bata.
[ yan nga ! Kunin mo na dali ! ]
Tumango ako. You're mine now ! Akmang maglalakad na ako nang mapatigil ako dahil may dumating na lalaki at lumapit dun sa bata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha.
"Oh shoot."
Retreat.
Napaliko ako agad at naghanap ng mapagtataguan. Damn it ! Bakit nandito ang detective na yan? !!
[ anyare ? ]
"Nandito yung detective"
[ what? Anong ginagawa niya diyan ?! ]
" I dont know either !"
Isa ang detective na yan sa mga mortal enemy ko kumbaga nasa top 5 siya ng mga kaaway ko dahil siya ang may hawak ng kaso ko at ilang taon na rin niya akong hinahanap. Medyo magaling siya kumpara sa iba lalo na't may photographic memory siya kaya doble ingat ako kapag nandyan siya. Mahirap na baka makita niya ako at siguradong hindi niya makakalimutan ang itsura ko.
[ kunin mo lang yung teddy bear. Don't make any contact with him ]
"How can I do that eh kasama niya nga yung bata ! Anak niya ata yun!"
[ what? That's impossible ! Wala siyang anak 22 palang siya no! ]
16 yrs old nga may anak na eh, 22 pa kaya. Hello nasa makabagong henerasyon na po tayo ! Liberated na ang mga tao no.
"Pano mo nalaman yan?"
[ well I kinda did some research about him coz his hot. Kamukha niya kaya si Mario Maurer !!]
Geez ! What did she just say? Hot ? Is she blind or stupid...... or both? Hindi niya ata alam ang tunay na depinisyon ng HOT
"Stop stalking him my goodness."
[ isang beses lang yun ! ]
Hindi ko na pinansin yung sinabi niya at nagtungo ng CR. I need to cover up, hindi uubra ang ganitong disguise. Sinuot ko ang hoody ko at pinasok sa loob ang buhok ko para hindi nakaladlad tapos nagsuot ako ng facemask. Lumabas ako ng CR at sinimulan nang hanapin yung bata.
Masyadong malaki ang amusement park na ito, nasaan na kaya ang batang iyon? Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip ng mata ko ang hinahanap ko.
Gotcha.
Dire-diretso akong naglakad at binangga ang bata dahilan para mapaupo ito, kinuha ko iyong oportunidad para mahablot ang teddy bear na hawak niya at mabilis na naglakad paalis
"Ang teddy bear ko?!",rinig kong sabi ng bata pero hindi ako lumingon.
"Nasan ang teddy bear ko ! Uncle !! ", sigaw nito kaya napangiwi na lang ako. Sorry kiddo, pabili ka na lang ulit sa uncle mo.
Nakayuko ako habang naglalakad nang may biglang humawak sa braso ko
"Excuse me. Teddy bear ng pamangkin ko yan"
Nabigla ako sa pagkakahawak sa braso ko kaya saglit akong napatigil. Napaangat ako ng ulo pero hindi ko nilingunan yung lalaki sa likod dahil alam ko kung sino siya. Agad kong kinalas ang pagkakahawak niya sakin at mabilis na naglakad paalis.
"Miss ! Sabing teddy bear ng--"
Napalakas ang paghila niya sa jacket ko dahilan para mahubad ito sakin pero mabilis ko itong inagapan. Hinila ko rin ito pabalik at umikot. Ngayon ay magkaharap na kami sa isa't isa, mabuti nalang at hindi natanggal ang hood ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng detective.
"Nightmare"
Palihim ako napangisi. How can he tell that it is me by just looking at my eyes? o ito rin yung disguise ko noong huli kong encounter sa kanya? I can't actually remember but I guess I always wear the same mask that is why he can identify me plus his photographic memory.
Detective Kyron Drei
Ako ang unang umatake, sinipa ko siya at tumakbo paalis pero malakas siya. Nakarecover siya agad at hinabol ako. Geez, is he some sort of a track and field player? Ang bilis niya tumakbo ! Siguro kabayo siya dati nag reincarnate lang.
Sinadya kong dumaan sa maraming tao para malito siya pero mukhang gumagana ang photographic memory niya at natatandaan niya ako ! Damn it. Pumasok ako dun sa may peter pan at nakita kong sumunod siya sakin.
"Stop right there!"
He warned me but ofcourse I didnt listen. Ano siya siniswerte? Pinagpatuloy ko ang pagtakbo pero nahawakan niya yung paa nung teddy bear at hinila ito. Pinaningkitan ko siya ng tingin at mabilis na sinipa ang tuhod niya tsaka tumalon sa baba. Nagulat ako nang tumalon din siya at sakto nasa harapan ko na siya
"What's inside that bear"
Nagkibit balikat ako at hinagis ang bear sabay inatake siya, gumanti rin siya ng atake. Nang pabagsak na ang bear ay agad ko itong sinalo at tumakbo paalis.
"Chloe saan ako dadaan? Hinahabol niya ako"
[ kumaliwa ka tapos umakyat ka ]
Sinunod ko ang sinabi niya.
[ you're wearing your belt right? ]
"Yeah"
[ you know what to do. Nine is waiting for you ]
Sumilip ako sa likod ko at nakitang hinahabol parin niya ako. Nang makarating ako sa rooftop ay pumunta ako sa dulo. Pagod na pagod na pumasok ang detective.
"Diyan ka lang wala ka nang matatakbuhan!"
Ang sarap ng simoy ng hangin lalo na't gabi. Tumungtong ako sa may dulo.
"Anong gagawin mo?"
Akamang tatakbo siya papalapit sakin pero sinenyasan ko siya na tumigil. Winave ko ang kamay ko sensyales na nagpapaalam na ako at tumalon patalikod.
So long sucker !
Malakas ang hangin kaya natanggal ang hood ko at sumabog ang buhok ko. Mabuti nalang at gabi na kaya hindi niya makikita ang kulay ng buhok ko. The color of my hair is my name. Clinick ko yung belt ko para kumapit ito sa pader. Matiwasay naman akong nakababa mula rooftop hanggang ground. Muli kong sinuot ang hood ko at tumakbo na paalis.
Napaayos ng tayo si Nine na nakasandal sa kanyang motor nang makitang parating ako. Binato ko sa kanya ang teddy bear at sumakay sa motor. Walang ano ano ay pinaharurot ko na ito.
This wasn't the first personal encounter I had with him. Maraming beses na pero masyado ata akong magaling sa pagtakas kaya hindi niya pa ako naguhuli pero alam ko habang padalas ng padalas ang pagkikita namin, mas palaki ng palaki ang chance na makilala niya na ako.
Pinasok ko ang motor sa garahe at bumaba sa secret hideout ko. Mukhang maraming chickenjoy akong makakain ngayon ah.
Hinubad ko ang jacket at sapatos ko tapos dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Pinagod ako ng detective na yun, imbes na matiwasay kong makukuha ang teddy bear ang dami ko pang pinagdaanan
Napatigil ako sa pag inom nang magring ang computer kaya lumabas ako ng kusina at lumapit sa computer tapos pinindot ito para sagutin ang tawag.
"Haloo !"
Masiglang bati ni Chloe.
"Nakuha na raw ng kliyente yung teddy bear"
Yeah that stupid teddy bear.
"Nabayaran na rin niya agad !! Heeellloo half a million!!"
Ito na naman ang taas na naman ng energy ni Chloe, binaba ko na agad ang tawag nang marinig na kumakanta na siya.
Chicken ! Here I come
---------------