Chapter Twenty Six “Alexa, tama na iyan.” Awat ni Dana sa akin pero pumiksi ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Ano ba hic! Anong tama na? Gusto ko pa eh!” Matapos kong umalis sa condominium ay dumeretso ako sa bar, tinawagan ko kanina si Dana para may kasama ko dito. Kung alam ko lang na aawatin niya ako sa pag-inom ay sana ay di ko na lang siya pinapunta dito. “Alam ko na nasaktan ka, Alexa, pero hindi solution ang pag-inom nang alak para maialis mo iyang naramdaman mong sakit eh. Daig mo pa ang drama queen sa pag-emote eh!” Alam ko na mali daanin sa alak ang problema ko pero ang nakakaletse eh! Para akong tanga all this time! “Umuwi ka na…hic! Lang…hic! Akala ko ba best friend kita?” “Kaibigan mo nga ako pero madami ka na kasing ininom. Tara na uwi na tayo.” “Ayoko! Gago kasi iy

