Isang nakakagimbal na balita ang bumulaga sa tatlong magkakaibigan nang pumasok sila sa paaralan. Balita sa campus ang pagpapakamatay ng isang guro sa loob ng faculty room ngunit wala pang ideya ang tatlo kung sino ang gurong iyon. Isang umaga, habang sabay-sabay ang tatlo nina Jacob, Natasha at Wesley ay panay ang takbuhan ng mga mag-aaral na tila ba nagmamadaling pumasok sa isang school building. Napansin kaagad iyon ng tatlo. "Anong nangyayari?" turan ni Jacob habang pinagmamasdan ang iba pang mga estudyante na hindi magkamayaw sa pagtakbo at tila may gustong usisain. Kaya sa gitna ng kanilang kyuryosidad ay nahagilap ni Jacob ang isa sa mag-aaral na tumatakbo papasok ng gusali ng kanilang paaralan. Bago pa man makapasok ang mag-aaral na iyon sa pintuan ay

