Tunay ngang nakakapanibago ang mga nangyari sa paaralan. Hindi mapagkakaila sa mga mukha ng mga mag-aaral ang pag-aalala at takot matapos ang mga kahindik-hindik na insidenteng naganap. Ngunit magkagayun man ay itinuloy pa rin ng mga kawani ng eskwelahan ang pagtitipon sapagkat isa itong charity event. Ang tema ng party na gaganapin ngayong Nobyembre ay Halloween. At dumating na nga ang gabing pinakaasam-asam ng lahat. Iba't ibang kasuotan ang inirampa ng mga mag-aaral. Hindi na ito bago sa kanila, taon-taon ay may ganitong kasiyahan na siyang dinadaluhan ng lahat. Ngunit para masigurado ang kaligtasan ng lahat ay nagtalaga ng mga security guard sa lob at labas ng paaralan kaya naman kampante ang mga pumapasok sa loob ng bulwagan ng paaralan. Ngunit sadyang kakaiba nga talaga

