"Jacob, please..." unti-unting nakaramdan ng pagkaawa si Jacob kay Natasha. Kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ay ang paghikbing tila'y nagpapahiwatig ng pag-usig sa konsensya ni Jacob. Hindi niya alam ang isasagot pero ayaw niyang makitang umiiyak ang babaeng nasa harap niya. Tumingin siya sa paligid. Hinanap niya ang driver ni Natasha na sa kasalukuyan ay nasa isang tindahan na kalapit lang ng ospital. Naninigarilyo ito at libang na libang sa pinapanood sa kanyang cellphone. Doon siya nagkaroon ng ideya na itakas si Natasha. "Huwag kang maingay. Tatakas tayo,"ani Jacob. Dahan-dahan silang lumapit sa sasakyan nina Natasha at kinuha ang gamit nilang dalawa. Napansin naman iyon ng driver. "Sir, aalis na po ba tayo?"sigaw nito sa

