Malakas ang tunog ng musika at halakhakan sa madalas ay tahimik na bahagi ng dalampasigan ng Las Cabañas. Nakalatag ang pagkain sa mesa sa harap ng beach house ni Vance. Sa isang parte naman ng bahay ay ang videoke kung saan nakikisali ang anak ng ilan nilang kasamahan na sa El Nido na nakadestino at isinama ang pamilya. Maagang natapos sa trabaho ang mga kasamahan niya para pagbigyan ang despedida party niya. Dapat ay hapunan iyon pero alas kuwatro pa lang ng hapon ay nakahanda na ang pagkain at nagdatingan na rin ang mga kasamahan niya. Susunod din ang iba pang naging mga kaibigan niya sa El Nido para daw makapagpaalam sa kanya. Si Vance halos ang nag-eestima sa mga bisita, ang nagtatanong kung may kailangan ang mga ito. Gusto daw ng binata na mag-relax lang siya dahil araw niya iyon a

