Tumiim ang anyo ni Vance. “Why are you suddenly giving up?” Ibinagsak ni Phoenix ang sarili sa maroon na settee at ipinatong ang mga braso sa arm. Hindi niya inaasahan na mag-uusisa pa si Vance. Bakit nga ba hindi na lang ito matuwa sa desisyon niya? Bakit kailangan pa nitong magtanong kung wala siya sa mood na magpaliwanag? Dahil marami pa ring bagay sa dibdib niya na hindi niya alam kung handa siyang isiwalat kay Vance. Pinagsalikop niya ang mga palad. “Nakapag-isip-isip ako noong mag-isa lang ako. Inisip ko kung ano bang ginawa ko sa buhay ko nang nagdaang mga buwan. Mula nang malaman ko kung sino ang tunay kong ama, nang umalis ako dito, nang mamatay si Tito Mauricio at ang testamento. I was full of angst, Vance. Pakiramdam ko pinagkaisahan ninyo ako para lokohin. Lahat kayo ginawa

