"What the heck! Magpapakasal na si Phoenix sa ibang lalaki? Mukhang ayaw na nga niya sa iyo, Vance,” naiiling na wika ni Deutsch nang puntahan niya ito sa bachelor’s pad nito sa isang condominium sa The Fort. Matapos niyang malaman na ikakasal na si Phoenix at nakumpirma mismo niya sa kaibigan nitong si JK na seryoso iyon at inaasikaso na ng mga ito ang marriage license ay naapektuhan siya ng todo. Naisip niyang baka magpakasal ito sa iba balang-araw pero di niya inaasahan na drastic ang magiging desisyon nito. Na magpapakasal agad ito kahit wala pang isang buwang namamatay ang Ninong Mauricio niya. "Damn! Anong gagawin ko? I kissed her and she still wanted to marry that man. I thought I could change her mind,” aniya at tinungga ang fifteen-year old na whiskey na regalo kay Deustch ng

