The telephone conversation didn’t make Phoenix feel any better. Maaga pa ang gabi. Kung umiinom sa bar si Vance, marami pang pwedeng mangyari. Paano kung malasing ito nang tuluyan? Paano kung habang mahina ito ay lapitan ito ng ibang babae at maakit ito? May magagawa pa ba siya doon? Mapipigilan ba niya si Vance? Paano kung siya pa pala ang tuluyang magtulak sa asawa niya para pumatol sa ibang babae? Na mas gugustuhin nitong kalimutan na may asawa ito na hindi naman nito mahal at kinamumuhian nito. Paano kung hindi na ito umuwi sa kanya? Kahit sabihin niyang wala silang pakialamanan sa isa’t isa, it was not making her feel any better. Palakad-lakad lang siya sa library. Nakabukas lang ang laptop niya pero matapos ang kalahating oras ay nag-sleep mode na iyon dahil wala siyang napindot kah

