Chapter 2

2350 Words
VANCE pulled Phoenix’s nape so his lips will meet hers. Hindi nakahuma si Phoenix sa bilis ng pangyayari. One minute they were arguing, the next thing she knew, they were arguing into a different level. Sinakop nito ang mga labi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. May ginigising na kung ano ang halik na iyon sa kanyang katauhan. Pinag-iinit niyon ang kanyang katawan at parang kinakapos siya sa paghinga. She didn’t know how to act properly when kissed. Ang alam niya, dapat sinasampal niya ang mga aroganteng tulad ni Vance. Pero hindi niya magawang ilayo ang sarili dito. Parang nahihipnotismo siya at tanging kayang gawin ng labi niya ay magpaubaya dito. Natigilan si Phoenix nang maulinigan nila ang tunog ng paparating na sasakyan. Mabilis na naghiwalay ang kanilang mga labi. Saka niya na-realize kung ano ang itsura niya. Gulo-gulo ang kanyang buhok at nakapulupot ang kamay niya sa leeg nito. Hindi maikaila ang ngiti sa mga labi ni Vance. Mabilis siyang umalis sa kandungan nito. “Bakit mo ginawa iyon?” “Curiosity. Ngayon pa lang ako nakahalik ng archaeologist. At na-prove ko ang hinala ko. Pustahan tayo hindi ka pa nahahalikan ni Thutmose III,” anitong may halong panunuya. Nakuyom niya ang palad. Gusto niyang sampalin ito subalit pinigilan niya ang sarili dahil narinig na niya ang papalapit na yabag mula sa labas. “Kapal ng mukha mo!” Pinahid niya ng likod ng palad ang mga labi upang burahin ang halik nito. “Pangit ka pa rin!” Tumalikod siya at nagmadaling umakyat ng hagdan. Hindi na niya matatagalan pa ang presensiya nito. At lalong ayaw niyang makita sila ng ibang tao sa ganoong itsura. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya ng mortal niyang kaaway sa mismong pamamahay niya. At ang masaklap, sinagot niya iyon. Kaya alam niyang pinagtatawanan na siya nito. “Sabi mo lang iyan, Cleopatra. Hindi mo lang matanggap na marunong akong humalik dahil hindi iyon kaya ng boyfriend mo… kahit siya pa ang may-ari ng lahat ng pyramid sa mundo,” nanunuyang pahabol ni Vance habang paakyat siya ng hagdan. Pagdating sa kanyang silid ay humihingal niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Nahawakan niya ang kanyang mga labi. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Vance. Gayundin ang dampi ng mainit na balat nito sa kanya. Pumikit nang mariin si Phoenix at ibiniling ang sarili sa kama. Bakit pa ba niya inaalala ang nangyari kanina? Malaking kahihiyan iyon sa parte niya dahil alam niyang pinagtatawanan siya nito ngayon. Pwes, hindi na siya mahahalikan pa ni Vance ‘Antipatiko’ Antiporda kahit kailan. Over her dead, beautiful body. TAHIMIK sa pagkain ng hapunan sina Vance at Phoenix. Tanging tinig lang ni Mauricio na nakaupo sa punong hapag ang nangingibabaw. Bagamat nasa edad na limampu’t pito si Mauricio ay mukhang bata pa rin itong tingnan. Ito pa rin ang tumatayong pangulo ng Villaviray Construction na sa loob ng dalawampung limang taon ay maayos nitong napamahalaan. “Phoenix, totoo ba na tinakot mo si Fred Manuel kaya ayaw nang bumalik pa dito?” tanong nito na nakapagpatigil sa pagsubo niya. Awtomatiko niyang sinibat ng masamang tingin si Vance. Mukhang nakapagsumbong na agad nito. “Tito, mukha ba akong Regal Shocker para takutin siya? Sino na namang magaling ang nag-report sa inyo?” may himig ng pagbibintang niyang tanong. “Si Fred mismo!” sagot ni Mauricio na umani ng ngiti mula kay Vance. Parang sinasabi nitong pahiya siya dahil mali siya ng hinala. Inirapan niya ito. At saka puno ng impatience na tiningnan si Mauricio. “Sinabi ko naman sa inyo tito na may boyfriend na ako.” Naningkit ang mga mata nito. “Boyfriend? Hindi ako naniniwalang may boyfriend ka na. Hala, pababalikin ko dito si Fred. Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya na may boyfriend ka na.” “Ninong, kahit na kaladkarin ninyo pabalik si Fred, hindi na iyon babalik pa dito,” ngingisi-ngising sabi ni Vance. “Bakit?” tanong ni Mauricio. Nilakihan ni Phoenix ng mata si Vance. Huwag lang itong magkamaling sabihin ang totoo at sasalaksakin niya ng steak knife ang lalamunan nito. “Dahil talagang may boyfriend na si Phoenix. Hindi ba niya nabanggit sa inyo si Thutmose III? Sikat ang boyfriend niya, Ninong,” dagdag pa nito. Binitiwan ni Phoenix ang kubyertos dahil malapit na siyang mawalan ng gana. Talagang hinahamon siya ni Vance. Saglit na nag-isip si Mauricio. “Teka, parang kabarkada ko si Thutmose II, ah!” anito. Pagkatapos ay sinibat siya nito ng matalim na tingin. “Hindi ba, mag-ama iyong dalawang Thutmose?” Alangan ang ngiti ni Phoenix nang tumango. Shiyet! May alam yata sa history ng Egypt ang tiyuhin niya. Darn! Buko na siya. “Tama! Siya ang nabanggit sa akin ni Fred na boyfriend mo.” Biglang naging mabagsik ang mga mata ng tiyuhin niya. “Na may-ari ng pyramid at mahigit tatlong libong taon nang patay!” Hinampas nito ang mesa. “Ako ba ay pinaglololoko mo, Phoenix? Hindi ka ba kinikilabutan sa pinagsasasabi mo?” Ngumiwi siya kasabay ng pagpitlag. Mukhang napuno na ito sa kanya. “Tito, wala po kayong magagawa kung ayaw ko sa mga lalaking inirereto ninyo.” “Then mag-asawa ka ng kahit sinong gusto mo. Basta ayoko nang ituloy mo ang pagiging archaeologist mo. Gusto kong makita kang lumagay sa tahimik.” Iiling-iling niyang itinuloy ang pagkain. “Wala kang maasahan sa akin, Tito. I’m so sorry.” Hindi niya ipagpapalit ang trabaho sa isang lalaki. Lalo na ang mga kalibre ng mga lalaking gusto nito para sa kanya. “Then, you could at least stay here. Tumulong ka sa negosyo natin. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamangkin. Gusto mo bang lumayo pa sa akin?” “Nagsisimula pa lang po ako sa career ko. Saka ano ang gagawin ko sa opisina ninyo? I am not an engineer. Wala akong alam sa negosyo na iyan.” Ang alam niya ay maghukay ng mga artifacts, pag-aralan ang mga iyon at i-present sa mundo kung ano ang buhay noong unang panahon. Napakalayo sa pagiging engineer. Kung kaya sana niyang maging engineer ay noon pa sana niya ginawa para mapagbigyan si Mauricio. “Sa opisina ka lang naman, hija. Hindi katulad diyan sa trabaho mo na lagi ka na lang nangangamoy luma o kaya ay nakasubsob sa libro. Ano ang mapapala mo? At least dito, makakakilala ka ng eligible bachelors na pwede mong maging prospect sa pag-aasawa.” “Bakit hindi na lang iyang paborito ninyong inaanak ang pag-asawahin ninyo? Tutal, marami namang babaeng nahuhumaling sa kanya, hindi ba?” Binigyan niya si Vance ng nang-iinis na ngiti. Alam niyang kung may isang topic itong iniiwasan gaya niya, iyon ay ang pagpapasakal. “Oo nga pala, Vance. Wala ka pa bang planong pakasalan si Nerissa?” tanong ni Mauricio at ito ang binalingan ng tingin. Biglang namutla si Vance. Mabilis nitong ininom ang isang basong tubig dahil mukhang mahihirinan ito. “B-Break na po kami, Ninong. Noong isang buwan pa.” “Wala ka bang bagong girlfriend? Iyong masasabi mong pwede mo nang iharap sa altar at mabibigyan na ako ng apo,” animo’y excited na sabi nito. “Malayo pa sa isip ko, Ninong.” Pareho silang napangiwi ni Vance nang hampasin muli ni Mauricio ang mesa. “Ano ba kayong dalawa? Wala kayong planong magsipag-asawa? Aba’y gusto ko nang magkaroon ng apo at makita kayong lumagay sa tahimik.” “Tito, I’m really sorry,” anang si Phoenix. “It’s just that I am happy with my life. Kahit na wala akong boyfriend. Kahit na wala akong asawa o anak, okay lang po ako.” “Ano? Ang pagkakalkal ng buhangin sa disyerto at mag-aral ng mummy?” tanong ni Mauricio. “Pero iyon po ang buhay na gusto ko, Tito. I want to discover my past,” makahulugan niyang sabi. Natigilan si Mauricio. “No! You won’t do that. Ang Mama mo... sinuway din niya ang gusto ko nang….” Biglang hinawakan ni Vance ang braso nito. “Ninong,” anito sa nagbababalang boses at binigyan ito ng makahulugang tingin. Natigilan si Mauricio at huminga ng malalim. “Nabuntis agad siya nang hindi man lang nakakatapos ng pag-aaral.” “Iba po ako kay Mama. Nakatapos na po ako ng pag-aaral. May propesyon na po ako. Hindi rin ako nagkaroon ng anak sa pagkadalaga.” Hindi pa siya nagkakaroon ng “buhay” na boyfriend. At pakiramdam niya ay baka amagin na siya dahil mahirap makahanap ng lalaking pinapangarap niya. “Oo. Pero sana magkaroon ka na ng pamilya. Ayokong mag-isa ka sa buhay,” malungkot na usal ni Mauricio. Tumayo si Phoenix. “I’m sorry pero hindi ko masusunod ang gusto ninyo. Dahil aalis na ako sa isang linggo para ituloy ang trabaho ko.” “Hindi ka babalik sa Egypt!” Ibinagsak ni Mauricio ang kubyertos sa pinggan at lumikha iyon ng ingay na nakapagpapatda sa kanila ni Vance. Nadarama niya ang pagkaalarma sa parte nito. Subalit hindi natinag si Phoenix. “Tito, I know you love me. And I love you, too. But I hope you’ll understand. Ito ang paraan ko para mas makilala ko ang sarili ko,” malumanay niyang wika bago tuluyang iniwan ang hapag. Alam niyang nasasaktan ang kanyang tito sa ginawa niyang pagsuway sa kagustuhan nito. It’s just that marrying or helping out with the business was not a part of her plan. She had this fierce determination to discover her past. Isa pa ay archaeology na ang buhay niya. Hindi sa isang opisina ng construction company kung saan parang wala naman siyang silbi. Sapat na siguro na sa loob ng halos isang buwan ay pinagbigyan niya ang tiyuhin niya sa pagpapakilala sa kanya sa kung sinu-sinong lalaki. Wala na itong magagawa kung wala siyang interes sa mga ito o magkanobyo o mag-asawa. Hindi naman iyon ganoon kasimple. At hindi kailangang i-define ang isang babae dahil sa pagkakaroon ng nobyo o asawa. A woman or even a person is defined by being free to be who she wanted to be and being happy about it. Nagkukulong si Phoenix sa kuwarto niya at naghahandang matulog nang may kumatok sa pinto. “Sino iyan?” “Ako ito,” sabi ni Vance. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Ang totoo ay napapagod na siya na dahil sa argumento kanina. Ayaw na niyang dagdagan pa iyon. Mas gusto niya na may lakas siya kapag hinarap si Vance. Bahagya lang niyang binuksan ang pinto at sinilip ito. “What?” “Can we talk?” malumanay nitong tanong. “Aasarin mo na naman ako?” Hahalikan na naman siya hanggang muntik nang mabaliw saka pagtatawanan? “Don’t waste my time. Mas gusto kong magpahinga,” aniya at lumayo sa pinto para isara iyon. Mas gusto niyang magpahinga. “I am here to beg.” Akmang isasara ni Phoenix ang pinto nang matigilan siya. “Beg?” tanong niya at muling isinilip ang ulo sa pinto. “Yes. Grovel, magmakaawa, manikluhod. I will do anything. Basta makinig ka lang sa akin.” Tumaas ang kilay niya at nilakihan ang bukas ng pinto. “Oh, I must see this. This must be something very interesting.” Si Vance Antiporda, magmakakaawa sa kanya? Ha-Ha-Ha! “Magmamakaawa ka ba na huwag akong umalis para kay Tito Mauricio?” “No. Gusto ko lang sanang pakiusapan ka na pumayag sa isang huling date.” Umungol si Phoenix. Bakit di na lang ito mag-request na magpagulong-gulong siya mula sa tuktok ng Mt. Apo pababa. Parang mas madali iyon. “At sino na naman boring na lalaking ipapa-date niya?” “Titiyakin ko sa iyo na hindi ka mabo-bore sa date mo bukas.” “Hindi na ako naniniwala diyan.” Nakailang boring na lalaki na ba ang dumalaw sa bahay niya o ipinakilala sa kanya sa parties? Nagbakasyon siya para mag-enjoy kasama ang tiyuhin niya. Hindi ang i-entertain ang kung sinu-sinong lalaki. “Come on! Ihulog mo ako sa bangin kapag hindi ako nagsasabi ng totoo.” The idea suddenly perked her up. “Now you got my attention.” “At hindi na kita aasarin kahit kailan oras na pagbigyan mo ako.” “Huwag kang gumawa ng pangako na hindi mo tutuparin.” Parang imposible yatang mangyari na hindi siya nito aasarin at gaya nang imposible na magugustuhan niya ang kung sinumang ipapa-date nito sa kanya. “Fine. Isang huling pagkakataon para kay Ninong Mauricio. Tutal paalis ka naman na. Ano naman ang masama sa isa pang date?” Oo. Dismayado sa kanya ang tiyuhin niya. At masakit para sa kanya na makita iyon sa mukha nito. He did a lot for her. Ito na ang tumayong magulang niya. Pakiramdam niya ay napakasama niya kung bibiguin siya nito. Bumuntong-hininga siya. “One last chance? Just this once.” “Yes. Last na ito.” “Fine. Basta ihuhulog kita sa bangin kapag hindi ako matutuwa sa ipapa-date mo sa akin bukas.” “Make me your s*x slave forever, baby. My body is all yours if you won’t be happy tomorrow.” Natigilan si Phoenix at napalunok. Parang hindi yata niya gugustuhing gawing s*x slave ito. With that kiss a while ago, he made her forget about those dead men she was admiring so much. As if she wanted a hot willing body… Vance’s body. Itinaas ni Phoenix ang mga kamay na parang natatakot siyang lumapit si Vance at bigyan siya ng sample sa pagiging s*x slave nito. “No, thanks. Okay na sa akin na ihulog ka sa bangin.” Hinawakan nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. His eyes were smouldering. “Goodnight. See you tomorrow.” Tomorrow? Bakit magkikita sila bukas? Ano ito? Chaperone sa date niya? Whatever. Kung sinuman ang lalaking iyon ay pareho din ang resulta. She would leave the country anyway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD