Tahimik lang ang loob ng sasakyan maliban sa pagkanta-kanta ni Vance kasabay ng Wave music nan pinatutugtog nito sa kotse. Walang kibo si Phoenix pero kung anu-anong naglalaro sa utak niya habang bumibiyahe. Paano kung dalhin siya nito sa isang romantic na lugar? Paano kung nagpahanda ito ng isang romantic dinner sa isang yate at dalhin sila sa gitna ng laot? Paano kung halikan siya nito at tuluyan na siyang mawala sa sarili? Maaatim ba niya na matulad sa ibang mga babae na nadala sa pang-aakit nito? Lagi siyang sigurado sa sarili niya pero pagdating kay Vance ay hindi siya sigurado.
Maya maya pa ay nag-menor ito nang dumaan sila sa Rizal Park. Napaangat si Phoenix sa upuan. "What's this? Ide-date mo ako sa Luneta? Really. Masisira ang reputasyon mo sa akin."
Ito na ba ang romantic date nito? Di dahil mahilig siya sa historical sites ay maaakit na siya nito sa pagdadala sa kanya sa Luneta? She thought he was more original and creative than that. Oh, please!
Umangat ang gilid ng labi ni Vance. "Alam ko na gusto mong i-date si Rizal pero hindi ito ang oras para diyan. Ako ang ka-date mo ngayong gabi. And I can wipe those dead men out of your mind."
"You wish." Si Vance Antiporda ang kontrabida sa kasaysayan ng buhay niya. Huwag itong umasa na magiging spectacular ang gabing iyon. Hindi siya ang babae na madaling ma-impress. Mabibigo ito.
Maya maya pa ay humimpil na sila sa parking area sa harap ng National Museum. Naalala niya na iyon ang paborito niyang puntahan noong kabataan pa. Habang tinutuklas niya ang kasaysayan ng nakaraan ay parang natutuklasan din niya ang bahagi ng nakaraan niya at pagkatao.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Phoenix.
"That's for you to find out."
Nakakunot ang noo niya nang alalayan siya ni Vance pababa ng kotse. Magaan nitong hinawakan ang siko niya nang akyatin nila ang maraming baitang na hagdan ng National Museum. Pero ayaw niyang masyadong ma-excite nang masyado. Malay ba niya kung ano ang ihinanda nito sa kanya kahit pa nga nakuha nito ang kahinaan niya.
Sa gilid ng isa sa mga function room doon ay nakalagay ang poster para sa exhibit o event na ginaganap sa loob. The Unveiling of Ille Cave: A Window to the Past.
Ille Cave…Ille Cave… Pamilyar iyon sa kanya. Sigurado siya na nabasa na niya iyon noon o narinig.
"Your invitation, Sir?" anang receptionist.
Inabot ni Vance ang imbitasyon sa kanya. Gusto sana niyang tanungin ito kung tungkol saan ang exhibit at ano ang Ille Cave nang maisip niyang hamak mas wala itong alam sa History. Naalala niya na Social Studies ang pinakamababa nitong subject kahit pa nga laging ipinagmamalaki ng tiyuhin niya ang talino nito.
"This way, Sir,” nakangiting wika ng usherette.
Pumasok sila sa loob ng bulwagan. Puno ang function room ng mga taong gaya niya nakasuot din ng pormal na kasuotan. Ilang beses na rin naman siyang nakadalo sa ganoong function. Hindi rin siya dapat mailang dahil nakikihalubilo din siya sa mga sponsor at mga kilalang tao na may kinalaman sa kasaysayan. She felt at home. This was her world after all. Tingnan lang niya kung makatagal si Vance sa gabing iyon. It was definitely not his world.
Nagningning ang mata ni Phoenix nang makita ang mga artifacts na bumabalik pa noong Stone Age. Mga bagay na gamit ng mga sinaunang tao na nahukay sa Ille Cave na matatagpuan sa El Nido, Palawan.
"Vance, this is great!" excited niyang sabi. "Paano ka nakakuha ng invitation para sa event na ito?"
Bahagya itong yumukod. "I have many ways to please a lady."
"At hindi naman ako naniniwala na bigla ka na lang nagka-interes sa History sa mga sinaunang tao na mas matanda pa kaysa kay Thutmose II. That's very unlikely."
Masyadong moderno si Vance. Hindi ito ang tipo ng event na pagkakaabalahan nito o kaya ay tipo ng event na makakakuha ito ng exclusive invite. Para lang iyon sa mga nasa inner circle ng archaeological at historical world, mga scholar at sponsors. Ayaw naman niyang isipin na sinadyang gawin iyon ni Vance para sa kanya.
Isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa fifties na at may manaka-nakang puting buhok ang lumapit sa kanila. "My friend, Vance, you are late. You missed my speech."
Kinamayan ito ni Vance. "Forgive me. Hindi mo pwedeng madaliin ang isang babae lalo na't gusto niyang tiyakin na maganda siya para sa ka-date niya."
"Yes. With your looks, I understand that,” anang lalaki. Muntik nang tumirik ang mata ni Phoenix. Ang lakas ng loob ni Vance na palabasin na gaya siya ng ibang babae na mag-aaksaya ng oras para magpaganda dito. Grabe lang! "Good evening! I'm Dr. Pietro Ambrosio. I'm the head of excavation for Ille Cave. I won't bore you with details dahil baka tulugan mo kami. I hope you won't be bored with our exhibit with Vance to keep you company."
"I'm Phoenix Villaviray, I have a degree in BS Archaeology at Oxford University. I assure you that I wont be bored with details. At tinitiyak ko sa inyo na mas gugustuhin ko pang titigan ang mga artifacts na ito kaysa makasama si Vance, Doctor Ambrosio."
Biglang naging magaan ang anyo ni Pietro. "So you are the legendary Phoenix. Ipinagmamalaki ka sa akin ng uncle mo. Nabanggit niya sa akin na bukod sa Egyptology ay hilig mo ring mag-aral tungkol sa prehistoric era."
"Yes." Humawak siya sa braso nito. "So tell me more about the artifacts in Ille Cave. And of course, the Yawning Jar. Ito ang unang beses na inilabas ito sa exhibit kahit na nahukay na ito noong 1960’s sa El Nido? Tell me more about it."
Nakangising nilingon ni Pietro si Vance. "Excuse us, Vance. Ngayon ko lang naranasan na mas piliin ng isang babae kaysa sa iyo. Baka hindi na maulit ang gabing ito. She's the girl after my own heart."
"Sabi ko nga hindi ako insecure sa mga sinaunang tao or to a dirty old man at this matter,” puno ng kompiyansang sabi ni Vance.
Naningkit ang mata ni Phoenix. "That's mean."
Humalakhak lang si Pietro. "I don't mind. Vance is a good friend. Shall we start with our tour?"
"SO what do you think?" tanong ni Pietro matapos ang tour nila sa exhibit. Nakausap din niya ang mga archaeologist na kasama sa excavation. It was really exciting and fascinating.
Bago pa lang kasi ang mga archaeological finds na iyon. Matapos ang pagkakadiskubre ng Tabon Cave na tinirhan ng Tabon Man sa Quezon, Palawan ay inakala ng mundo na doon na nagtatapos ang mayamang kasaysayan ng sinaunang tao sa Pilipinas. Subalit hindi pa pala. Nagsisimula pa lang ang lahat.
Pinagsalikop ni Phoenix ang mga palad. "This is great. Masarap sigurong maka-diskubre ng mga bagong bagay. These archaelogical artifacts are precious. At alam ko kung gaano kahirap at kadelikado ang archaeoligical sites ngayon dahil sa pagkasira ng kalikasan at sa modernisasyon. Marami ang nasisira na lang at gayundin ang mahahalagang artifacts nang hindi man lang nadidiskubre ng mga tao. Some are looted. At sa halip na napupunta sa isang bansa ay publiko ay ibinebenta sa black market. Malaking accomplishment na makita ito sa isang exhibit."
Hyper na hyper siya habang nagsasalita. Hindi kasi niya inaasahan na ito ang kalalabasan ng gabi niya. It was supposed to be the worst night of her life but she found herself enjoying it. Kahit saan siya lumingon ay napapalibutan siya ng mahahalagang bahagi ng kasaysayan at mundo.
"Tama ka. Hindi rin naging madali sa amin ito dahil mababa ang funding na nakukuha namin,” paliwanag ni Pietro. “But with this new discovery, lumaki na ang interes sa Philippine prehistoric archaeology. So do you want to be a part of our team?"
"Ako?" tanong niya at itinuro ang sarili.
"Mukha namang hindi ka mahihirapang humabol dahil may background ka sa prehistoric era. Nasubukan mo na ring maging parte ng excavation sa China tungkol sa mga sinaunang ta doon. May mga kuweba pa kaming ie-excavate sa Palawan. A series of caves na sa palagay namin ay may makukuha pang fossils at artifacts ng noong Stone Age."
Sinapo niya ang dibdib. "Wow! Imagine all the rich artifacts that you will discover there. Parang treasure hunting lang. That would be exciting!"
And this would be something new for her. Excavation in the Philippine was something she was secretly looking forward to. Ang problema lang naman kasi ay ang red tape at ang kakulangan ng pondo para sa mga archaeologists. Madalang ang ganitong pagkakataon.
"Exactly. So would you like to join us in our team? Malaking bagay ito para sa isang tulad mo kung gusto mong gumawa ng pangalan sa archaeological world habang bata ka pa. Hinihintay lang namin na maaprubahan ang permit namin para mag-excavate."
Kinagat ni Phoenix ang pang-ibabang labi. Magiging sikat din ang pangalan niya gaya ng kanyang ama. "I would love to pero..."
Pero hindi niya maiwanan basta-basta ang Egypt. Nandoon ang bahagi ng pagkatao niya. At kung may maa-accomplish siya gaya ng ama niya ay parang napatunayan na rin niyang anak siya nito.
"Hindi mo pa naman kailangang ibigay ang sagot mo ngayon." Dumukot si Pietro ng tarheta sa dinner jacket nito at inabot sa kanya. "Here's my card. Sabihin mo sa akin kapag nakapag-desisyon ka na."
"Pag-iisipan kong mabuti. Thank you very much for the offer,” wika ni Phoenix at kinamayan ito.
Kasama sina Phoenix at Vance sa ilang huling umalis sa party. Inaasahan ng team ni Pietro at ng National Museum na dadayuhin di lang ng lokal na turista kundi maging mga dayuhang turista ang naturang exhibit gayundin ng mga eksperto mula sa ibang bansa. At excited din ang mga ito para sa mga susunod pang madidiskubre - mga sinaunang Pilipino na may mataas na antas ng sibilisasyon sa kabila ng payak na kagamitang mayroon ang mga ito.
Nagsimula siyang makadama ng gutom nang pababa ng hagdan ng National Museum at patungo sa kotse ni Vance. Bumaba na kasi ang adrenaline rush niya. Hindi na kayang i-sustain ng sugar sa katawan niya ang excitement at sayang nararamdaman niya dahil sa dami ng nangyari nang gabing iyon.
"Mag-dinner muna tayo. Wala kang kinain kanina sa sobrang busy mo,” sabi ni Vance nang simulang i-maniobra ang kotse.
"Okay," nausal na lang ni Phoenix dahil ang totoo ay wala na siyang energy.
Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong. She somehow liked it. Vance knew to how take charge at the right time. At alam din nito kung anong gusto niya. Parang nakalutang siya sa alapaap. Animo’y isa siyang eroplano na nawalan ng makina at nagpalutang-lutang.
Maya maya pa ay humimpil sila sa isang Chinese restaurant. Isang pribadong kuwarto ang pinili nito. Mukhang intimate iyon but she didn't care. Tulala na siya sa gutom at pagod. Masakit ang paa niya dahil sa high heeled shoes na suot niya.
Inabutan siya nito ng paperbag. Nakakunot ang noo niyang pinagmasdan iyon. High heeled sandals. "Isuot mo na at mag-relax ka. Ako na ang bahalang umorder para sa iyo. Basta may beef stew noodles at siopao asado."
Nag-thumbs up siya at isinuot ang sandals. Maya maya pa ay pumasok ang waiter at ibinigay nito ang order. Mas komportable na siya pero hindi pa rin sapat. Inunat niya ang paa niya at itinaas. Nagulat siya nang biglang may tamaan iyon at narinig niya ang pag-ungol nito. "Muntik ka nang makatama ng kayamanan doon."
Sumilip si Phoenix sa ilalim ng mesa at nakitang muntik nang tumama ang paa niya sa pagitan ng hita nito "Ooopps! Sorry." Tinutop niya ang bibig. "Kailangan ko lang talagang iunat ang binti ko. Namimitig kasi dahil sa high heels na iyan."
"Akin na ang paa mo. Iangat mo."
"Bakit?" tanong niya ngunit sinunod naman ito.
Sinapo ni Vance ang paa niya at ipinatong sa kandungan nito. "Magaling akong magmasage. I am sure mare-relax ka."
"H-Hindi na kailangan," natataranta niyang wika.
Tinangka ni Phoenix na bawiin ang paa niya subalit pinigilan siya nito. "No. Kasalanan ko kung bakit nahihirapan ka ngayon. So I am taking full responsibility."
Wala na siyang nagawa kundi hayaan si Vance. Nang simulan nitong hagurin ang talampakan niya ay hindi na niya nagawang tumutol. That was heaven. No wonder his women loved him. Napakagaling nitong magmasahe.
Drat! This was just a simple foot massage. How did it turn into something s****l? Pero hindi naman niya ito mapigilan. Parang tumigil nang mag-isip ang utak niya at dinama na lang niya ang sensasyon.
Umungol siya at pumikit saka isinandal ang ulo sa sandalan. "You are good." It came out as a purr. Even her purr sounded sensual and pure bliss.
"So they say." Natigilan siya nang maisip na tinutukoy nito ang ibang babae. Bigla niyang idinilat ang mga mata at matalim itong tiningnan. "O! Violent reaction ka agad."
Humalukipkip siya. "Hindi yata maganda sa ego ng isang babae na ibang babae ang binabanggit ng ka-date niya."
"Hindi mo kailangang magselos. That's just for reference."
"Yeah. Yeah, right." She was too tired to complain. Wala na siyang lakas. Gusto na lang niyang mag-relax.
Maya maya pa ay ipinasok na ng mga waiter ang order nila. Matapos maghugas ng kamay ay hindi na niya napigilan ang sarili na kumain. Nanlalabo na ang paningin niya sa gutom at pagod. Handa siyang kainin ang lahat ng ihain sa kanya.
"Oh! This is good," wika ni Phoenix matapos humigop ng beef stew. "Isa ito sa nami-miss ko dito. Ang pagkain. This is perfect! The museum, the food..."
Naglaro ang ngiti sa labi ni Vance. "So I am the perfect date?"
Ikiniling niya ang ulo. "Mas okay ng konti kaysa sa iba."
"I may not be a pharoah but I can treat you like a queen. Kaya kitang paligayahin sa kahit anong paraan mo gusto."
Natigilan siya sa pagsubo ng noodles at maang itong tiningnan. That was a come on. That was definitely a come on. "No thanks. I am okay with the food,” wika niya at sumubo ng noodles.
Napansin marahil ni Vance na kakainin na niya ito oras na abalahin pa nito ang pagkain niya kaya hinayaan lang siya. Nang sa palagay nito ay tao na ulit ang pakiramdam niya matapos niyang maubos ang beef stew, siopao at pati ang iba pang ihinain nito sa kanya ay saka lang ito muling nagsalita.
"Anong masasabi mo sa exhibit?" tanong ni Vance.
"Amazing! Maganda ang pagkaka-preserve ng artifacts. Natuwa rin ako na sa wakas ay naka-exhibit na rin ang Yawning Jar na nahukay sa El Nido noong 1960’s. Alam mo ba na apat na dekada iyon na nakatago sa National Museum at hinayaang inaamag doon bago nila inilabas? This is the time to put El Nido in the geological map. At excited ako sa mga ie-excavate pa nilang kuweba. They are just waiting for the permit to excavate. Inalok nga niya ako na sumali sa team nila."
His face looked guarded. "At sapat na ba iyan para manatili ka sa Pilipinas?"
Nilaro niya ng kutsarita ang grass jelly with cream. "Gusto ko sana pero ang Egypt... alam mo naman kung bakit gusto ko doon, di ba? Iyon na lang ang paraan ko para makilala ko ang ama ko."
Hindi niya nakilala ang amang si Thomas Knowles, isang half-Filipino, half-British na isang promising archaeologist noong panahon nito. Kababata ito ng nanay niya at kaedad ng Tito Mauricio niya. Noong sampung taon ito ay nagtungo ito sa London at doon na nanirahan. Hindi naman naputol ang komunikasyon nito sa nanay niya na si Elaine Mae dahil nagsusulatan ang mga ito at nagtatawagan pa sa telepono. Na-develop ang mga ito sa isa’t isa.
Hanggang dumalaw ang ama niya sa Pilipinas kasama ang pangakong pakakasalan nito ang nanay niya matapos ang excavation nito sa Egypt kung saan tinutuklas nito ang sekretong chamber ni Thutmose II pati na rin ang hinihinalang isa pang kaharian nito sa timog na bahagi ng Nile River.
Sa kasamaang-palad ay namatay ang ama niya matapos tamaan ng yellow fever sa disyerto. Malayo sa sibilisasyon ang excavation site kaya naman hindi na ito naidala pa ng ospital at namatay. Hindi na nasabi ng nanay niya na ipinagbubuntis siya nito. Ang tanging sulat na naiwan sa kanya ay ang sulat ng tatay niya sa nanay niya - mula sa excavation nito sa Egypt hanggang sa pagmamahal nito sa nanay niya.
Kaya naman pinili niyang maging archaeologist upang sundan ang yapak ng ama. Hindi man niya masabi sa mundo na anak siya ni Thomas Knowles, parang sinabi na rin niyang anak siya nito dahil tinutuklas niya ang mga bagay na hindi na nito natuklasan pa. Siya ang nagpapatuloy sa mga bagay na di nito nagawa. Nag-aral siya sa parehong unibersidad kung saan ito nagtapos. She wanted to retrace his roots. Wala na siyang mapagtatanungang kamag-anak nito dahil ulila na ito noong magtapos ito ng kolehiyo. Tinutulan iyon ng tiyuhin niya noong una subalit wala itong nagawa dahil gusto niyang taluntunin ang pinagmulan ng pagkatao niya.
"Hindi pa ba sapat ang apat na taon mo sa Egypt para makilala mong mabuti ang pagkatao mo?" nakakunot ang noong tanong ni Vance.
"Hindi mo maiintindihan..."
"Ang naiintindihan ko ay kayo na lang ni Ninong Mauricio ang magkamag-anak. Siya ang nag-iisa mong pamilya. Hindi na rin naman siya bumabata. Gusto ka rin naman niyang makasama."
"Sa pamamagitan ng pagrereto sa akin sa kung sinu-sinong lalaki? It won't help his cause,” may halong frustration niyang sabi.
"Forget about it. Sinabi ko rin kalimutan na niya ang pagrereto sa iyo sa iba't ibang lalaki. Hindi iyon gumana sa akin at hindi rin gagana sa iyo."
"Inireto ka rin niya sa kung sinu-sinong lalaki?" namamangha niyang tanong.
"Seryosohin mo nga ako!" asik ni Vance sa kanya.
Humagikgik siya. "You are cute when you are pissed off."
Nanatiling seryoso ang mukha nito. He really means business. "Listen. Hindi ba magandang solusyon kung dito ka na lang sa Pilipinas mag-practice? Malapit ka lang kay Ninong Mauricio. Mas sigurado siya na safe ka dito. May dalawang linggo ka pang bakasyon. Bakit hindi ka muna dito sa Pilipinas? Kundi sa namatay mong ama, I am sure mas pipiliin mong mag-excavate dito. Magandang pagkakataon para ma-explore mo ang Philippine archaeology.”
"I am not sure...may usapan tayo na ito na ang huli. Na pwede akong bumalik sa Egypt pagkatapos nito."
"Para sa date iyon. Iba naman ang sa pagsali sa excavation. This is about your happiness and your uncle's happiness. Bakit hindi mo muna subukang tingnan kung masisiyahan ka sa El Nido? May isang buwan ka pa naman para mag-isip. Para i-reconsider ang career options mo. This is a golden opportunity to carve your name. Masyado nang maraming nakatatak na pangalan sa Egyptology. Pero sa Philippine archaeology ay wala pa halos namamayagpag na pangalan. Hindi ka ba proud na kasama ka sa magpapalago ng archaeology sa bansa?"
Inanalisa ni Phoenix ang sinabi ni Vance. Oo nga naman. Kung pagiging archaeologist ang pag-uusapan, mahirap nga namang palampasin ang ganitong pagkakataon. Bagamat sentimental archaeologist siya dahil ginagawa niya ito para sa ama niya, ilang taon na nga naman siyang nakababad sa Egypt. Tinatawag siya ng Tito Mauricio niya na manatili sa Pilipinas. Tinatawag din siya ng mga kuweba ng Palawan. Oras na para tuklasin naman niya ang kabilang bahagi ng pagkatao niya – ang pagiging Pilipino niya.
"Okay. I want to give it a try." Ayaw niyang magbigay ng panapos na sagot. She wanted to keep her options open. “I will stay here for a month.”
Lumapad ang ngiti ni Vance. "Pack your bags. Bring everything you need for a week. Bring your swimsuit."
Umikot ang isipan niya sa sunud-sunod na utos nito. "Why?"
"We are going to paradise."