Hannah's POV IT’S BEEN a week simula nang mameet ko si Jana at malaman ko ‘yong about kay Shield. At hanggang ngayon di pa rin ako nakakapag-decide kung sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo. "Hannah! Ano ba?! Hindi ka pa rin ba babangon dyan?!" Si tina ‘yan, sumisigaw sa labas ng kwarto ko. Nakahiga pa kasi ako at tinatamad akong bumangon kahit alam ko na mali-late na kami. Natutuwa ako kasi mas lalo kaming nagiging close ni Tina simula nang lumipat siya dito sa apartment. Nagi-guilty na nga ako kasi di ko pa rin nasasabi kay Tina ang totoong estado ng buhay ko. "Wawasakin ko talaga ‘tong pinto ng kwarto mo kapag di ka pa lumabas dyan!" narinig ko pang sigaw niya. Napangiti na lang ako at bumangon na bago pa niya tuluyang wasakin ang pinto ng kwarto ko. Grabe talaga babaeng ‘to, ang h

