Jason's POV NAGLALAKAD na ako papuntang parking area, may group review kami ngayon sa bahay nina Montereal, nandoon na siguro ang iba. Katatapos lang kasi ng huling klase ko. "Ang kapal din naman ng mukha mo!" "Kakapal pa dyan sa make up mo? Kulang na lang ataul pwedeng pwede ka ng paglamayan e." Isang malakas na sampal ang narinig ko. At ilang bulyawan ng mga babae. "Sasagot ka pa ha?" Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Saan nanggagaling ‘yon? Di ko na lang sana papansinin kaya lang… "Aaahhhhh!" sigaw ulit ng isang babae. "Hahahahaha" tawanan ng iba pa.. Gumana na naman ang pagiging concern citizen ko. Sinundan ko ang ingay na ‘yon at sa mini forest nanggagaling ang ingay. Di naman sa tsismoso ako, curious lang. Nakita ko ang limang babae at isang babae na nakabagsak sa lu

