"Rowin! Magsasampay na!" Tawag ko kay Rowin. Tinanguan naman ako nito at kinurot muna ang pisngi ni Ryley sa Crib niya bago ako tinungo. Kasalukuyan kasi kaming Naglalaba. "Asan ang isasampay?" Tanong naman nito sa akin at kinuha ang palanggana na hawak hawak ko "Ito at saka yung nandun Banlawan ko muna ito muna isampay mo." "Sige!" Nakangiting sagot nito sa akin. Mula nang ikinasal kami at Nanganak ako kay Ryley, Taong Bahay na si Rowin. Nakakatawa man dahil tinutukso siya ng mga kaibigan niya, Mas Ginusto naman ni Rowin at ni Mama ang pagstay nalang ni Rowin sa bahay habang Lumalaki si Ryley. Hindi ko rin kasi kayang solohin ang pagaalaga sa Anak ko. Siguro kapag lumaki na si Ryley pwede na sigurong magtrabaho si Rowin. "Paaaaa!!" Napalingon kami pareho ni Rowin kay Ryley na nags

