Chapter Thirty Two The Life that she wanted Lianne Minulat ko ang isang mata ko. Parang gusto ko pa mapikit pero ginising ako ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana at ang amoy ng masarap na pagkain mula sa ibaba. Medyo naramdaman ko ang bigat ng ulo ko nang bumangon ako. Napansin ko ang bedsheet. Color Gray. Pink naman ang kulay ng bedsheet ko yata. Inamoy ko pa ito. Pamilyar yung amoy “Huh!?” Lininga ko ang mata ko buong silid. Nasa kwarto pala ako ni Rowin Tinignan ko ang katawan ko “Omg” Iba na ang damit ko! Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Rowin. Papasok na sana ako ng kwarto ko pero narinig ko siyang sumigaw “Bumaba ka na at kumain ka dito. Lasenggera!” Napapikit ako nang marinig ko ang huling salitang sinabi niya. Siya ba ang naghatid sa akin? Lagot na ta

