Chapter Thirty The Punishment For that Bad Lips Lianne "Oh? Hindi ito ang inorder ko" nagulat si Nyda nang magtanggal ito ng shades at nakita niya na ako ang naglagay ng order niya "Nakailang baso ka na ng kape. Hindi maganda kapag nasobrahan mo" Nagbuntong hininga ako at umupo sa harapan niya. Naisip kong bigyan siya ng smoothies. Kanina pa kase ito nakaupo diyan at wala siyang ibang inorder kundi kape. Alam ko naman na nandito ito para bantayan si Luke. Aware din ako sa banda na tutugtog dito ngayong gabi. Nakita ko na ang bandang Mystique sa isang restaurant kung saan ako nagtrabaho dati. Kung pasexyhan ang usapan hindi sila magpapatalo. Hindi ko inalis ang titig ko sa kanila habang patungo sila sa table nila Rowin. Tignan mo nga naman ang hapit na hapit ang mag suot nila

