(He cares about me) INALALAYAN siya nitong makapasok sa loob ng sasakyan ng lalaki matapos ang isang mahabang halik. Hindi siya makatingin ng diretso kay Lorcan dahil sa takot na masundan na naman ang nangyari. Tatlong beses na siyang nahagkan nito. “Apat pa nga!” At hindi na niya lubos maisip kung saan sila hahantong bago matapos ang buong araw. “So, saang hospital o clinic tayo pupunta?” tanong nito habang binubuhay ang makina. “Sa malapit na hospital lang diyan,” tipid niyang sagot. Ayaw na niyang makipagtalo pa. Mauuwi lang iyon sa pakikipagsagutan niya sa lalaki at alam na niya ang kahihinatnan niyon. Masakit man aminin pero siya ang nagmumukhang talo. Natatalo siya ng mga halik at yakap nitong nakakapagpatunaw ng kanyang depensa. Sa laki ng katawan ni Lorcan ay kayang-kaya lang

