(A threat or a warning) “ARWA!” malakas na tawag sa kanya ni Karen na saktong pababa ng hagdan. “Karen, dahan-dahan ka lang! Hindi mo kailangang magmadali,” aniya habang humahakbang palapit sa pinsan. “Nakausap ko si Liberty. Tama nga ang sinabi mo, hinahanap ako ni Wolf,” naiiyak nitong sabi. “Halika at sasamahan kita na salubungin siya.” Inalalayan niya ito hanggang sa tunguhin nila ang gate. May isang sasakyang itim na matatanaw na agad mula sa malayo. Nginitian niya ang pinsan kasabay ng marahang pagpisil sa palad nito. Alam niyang naging emosyonal ito mula nang sabihin niyang buntis ito. Tiyak niya ang kanyang sapantaha kaya naman hindi na siya nagtaka pa sa nararamdaman ni Karen. “Are you happy?” “I’m more than happy, Arwa. So much.” “Masaya rin ako para sa iyo.” Magkahawak-

