(An agreement) “THANK YOU,” tugon niya matapos siyang alalayan ni Lorcan na makaupo. Maluwag ang restaurant na pinasukan nila at nasa bandang dulo pa silang dalawa na tila sinadyang hindi basta takaw tingin sa mga tao. Nginitian lang siya ng lalaki saka sumenyas ito. Mayamaya pa ay lumapit ito dala-dala na ang pagkain na ito mismo ang umorder. Pinagmasdan niya lang ang lalaki na inaayos ang mga pagkain sa harap niya. Hindi pa rin humuhupa ang saya na umusbong sa kanyang dibdib mula sa nangyari kanina lang. Muli na naman siyang napangiti kasabay ng pagtungo. Para siyang bumalik sa pagiging teenager na kasama si Lorcan. Muli na naman nito binago ang takbo ng pangyayari. Narinig niyang tumikhim ito na ikinatingala niya. Nagtama ang mga paningin nila at sabay pang nag-iwas pagkatapos.

