(BRENDON'S POV) Kinabukasan ay pinili kong 'wag umalis sa mansiyon tutal ay Sabado naman iyon. Inobserbahan ko si Aubrey, at napansin kong parang iniiwasan niya ako. Maski nga tumingin sa akin ay halos hindi na niya ginagawa. I just let her. Siguro ay nagulat lang siya sa sinabi ko kagabi. But it was the best thing to do in order to fix that problem... To get rid of the problem itself... FLASHBACK... I was in my office at katatapos lang ng online meeting ko nang makita kong may text message sa akin si Aubrey. Kaagad ko iyong binuksan at binasa. "Brendon, lalabas ako saglit. May bibilhin lang." Kasunod niyon ay ang text messages naman ng isa sa bodyguards ni Aubrey. "Boss, lalabas daw po si Ma'am Aubrey. Paalis na po kami." "Pumasok po si Ma'am Aubrey sa isang café, boss. Nag-orde

