(AUBREY'S POV)
"Are you still a virgin?"
Kaagad kong pinadapo sa pisngi ng estrangherong lalaking ito ang palad ko.
Kanina ay may kung anu-ano siyang itinatanong sa akin na hindi na tungkol sa trabaho ko tapos ngayon ay tatanungin naman niya ako kung virgin pa ba ako? Sinong baliw ba itong lalaking ito?
Napangiti pa siya pagkatapos ko siyang sampalin. Baliw nga yata talaga siya! Sayang naman ang hitsura niya. Guwapo pa naman sana siya, iyon bang matapang na klase ng kagwapuhan na puwedeng pangkontrabida. Badboy look na sosyal, mga ganon kasi halata naman sa kanya na mayaman siya.
Tapos, baliw pala siya? Tsk!
"Bastos—"
"If yes, then I have an offer to you... Marry me and carry my child. Once you give me a son, puwede na tayong maghiwalay kung gusto mo. I will also give you 10 million up to 100 million pesos for you to start anew. Pero sa isang kondisyon. Iiwan mo sa akin ang anak ko.
Pero kung wala kang balak makipaghiwalay sa akin, then it's better. We will live like a normal couple. What do you think?"
Napaawang ang bibig ko at natulala ako na para akong naengkanto sa mga pinagsasabi nitong lalaking ito.
Ano daw? Magiging mag-asawa kami at bibigyan ko siya ng anak? Tapos ay nasa akin na kung iiwan ko ba siya at ang anak ko sa kanya?
Eh baliw pala talaga siya! Sino ang babaeng nasa matinong pag-iisip ang papayag sa gusto niya? Kung gusto pala niya ng anak eh bakit hindi na lang siya maghanap ng magbubuntis sa anak niya? Ang alam ko ay mayroon na ngayong mga nagsu-surrogate mother. Ewan ko lang kung bawal ba iyon o legal. Puwede pa siyang makapamili ng babaeng gusto niyang maging ina ng anak niya na hindi na kailangan ng kasal.
Pero bakit ako ang ino-offer-an niya?? Ako na isang college undergrad, nagtatrabaho pa sa bar bilang waitress. Isang kahig, isang tuka at may adik pang ama na labas-masok sa kulungan dahil sa dami ng utang. Arghh! Lecheng buhay ito! Akala ko pa naman ay susuwertehin ako dahil iyon ang sabi ng isang manghuhula sa akin. Tapos, may makakaharap pala akong baliw?
At bakit ako magpapakasal at magpapaanak sa kanya para lang makipaghiwalay at iwan ang anak ko kung sakaling ayaw ko nang makasama siya? Kung magpapakasal man ako ay hindi iyon dahil sa pera o magandang buhay, kundi dahil sa pagmamahal!
"Antipatiko!" Singhal ko sa kanya at akmang sasampalin ko sana ulit siya pero mabilis siyang nagsalita.
"I will pay all your father's debts if you agree to the deal. I will also give him—you and your father— a house para hindi na niya kailangang mangupahan. I can even give him a job para mabaling doon ang atensiyon niya mula sa pagsusugal. While you... You will be living with me of course... We will get married right away after we seal the deal. Then, you will live like a queen." Aniya na puno ng kasiguraduhan at pangako.
Muling napaawang ang bibig ko... Hindi dahil sa mga offer niya kundi dahil sa kaalaman niya tungkol sa akin at sa Tatay ko. Ibig bang sabihin ay matagal na niya akong kilala? Pinaimbestigahan ba niya ako kaya alam niya lahat maging ang mga pagkakautang ng Tatay ko?
Muli siyang napangiti kaya't naisara ko ang bibig ko.
"Don't be surprised that I know everything about you, Aubrey. Hindi naman nakakapagtakang inalam ko muna ang lahat tungkol sa babaeng posible kong maging asawa at maging ina ng anak ko." Paliwanag niya sa akin na pormal na ulit ang mukha.
Napakurap-kurap ako at saglit na napaisip.
"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya bigla.
Bakit sa dinami-rami ng babae ay ako ang napili niyang maging asawa niya at magbigay ng anak sa kanya? Ang daming babae na mas nakakalamang sa akin. Hindi lang sa ganda, kasexy-han, edukasyon at maging sa pinansiyal. Kaya bakit ako? Ako na mahirap lang? Bakit ako ang napiling asawahin ng lalaking ito na napakayaman?
"Let's just say... that you have the qualities to be the mother of my child. But that is, if you're still a virgin. Marami akong itataya sa deal na ito kaya deserve ko naman siguro na magkaroon ng asawang malinis at walang bahid. Hindi rin ako mahilig sa babae kagaya ng ibang lalaki, so once we get married, I assure you na ikaw lang ang gagalawin ko. So, are you still a virgin?"
Bumuka ang bibig ko sa tanong niyang iyon na itinanong na niya kanina. Pero hindi ako makahanap ng mga salita para isagot sa kanya!
Malamang, virgin pa ako! Alam naman na siguro niyang NBSB ako! NO BOYFRIEND SINCE BIRTH! Hmp. Bukod lang pala sa mga artista at showbiz personality na syota ko, kasi ako lang naman ang nakakaalam do'n!
Bigla ay may iniabot siya sa akin na card. At itong kamay ko naman ay parang may sariling isip na inabot iyon mula sa kamay niya.
"Think about it, Aubrey. Think about my offer. Call me once you have a decision. Hindi ka na lugi dito. Mababayaran mo na ang mga utang ng Tatay mo at giginhawa pa ang buhay niyo. You can't cheat or fool me, anyway. Because if you're not pure anymore, then the deal will be void and you'll get nothing from me."
Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya sa akin. Nakanganga pa rin ako habang nakatitig sa likod niya nang bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.
"Think about it." Muli niyang sabi bago muling tumalikod at tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin...
♡♡♡♡♡
Author's Note:
Hello my dear readers! Sa wakas ay maitutuloy ko na ang story na ito! Dapat talaga July or August ko pa ito sinimulan dito, kaya lang ay 3 stories ang pinagpilian ko noon na unahin at ang na-feel ko ngang unahin noon ay ang story nina Ninong Max at Lorie entitled ESCAPADES WITH NINONG MAX (SSPG.) Napahaba pa ang book kaya natagalan. Pero ngayon ay tuloy na tuloy na ang book na ito at sana po ay suportahan niyo rin ito.🥰❤️
Ang balak kong genre nito ay DARK ROMANCE. Unang try ko sa ganong genre kaya sana ay ma-achieve ko! Hehe.
This story will include many detailed s€x scenes, at dahil nga dark romance ay mas røugh o harŝh tayo sa story na ito. But don't wørry dahil gaya ng sinasabi ko ay happy ending ang gusto ko sa mga story ko. Ayaw ko kasi sa sad or trag¡c ending. Kaya sana po ay suportahan ninyo ang story na ito!
Magdi-daily update po ako sa story na ito kapag natapos ko na ang book nina Ninong Max. Sana po ay i-add to library niyo na ito. Again, THANK YOU SO MUCH SA SUPPORT NINYO!
Pls follow my account for more, and I hope you'll also follow my sss page named Gracieheart. SALAMAT PO!!!❤️❤️❤️