Bigla akong nabahala para sa kaligtasan niya dahil sa narinig ko. Dapat ay mas mabahala ako sa sarili kong kaligtasan pero mas nag-alala pa ako sa lalaking ito. "Pero hindi nila alam ang pagkakaiba ninyong dalawa ng kapatid mo kaya si Jella muna ang tatayong girlfriend ko upang mailayo ka sa anumang kapahamakan." "Nababaliw ka na ba?" bulalas ko. "Ipapahamak mo ang kapatid ko—" "Hindi siya mapapahamak, sinisiguro ko iyan." "Felan, hindi kakayanin ng kakambal ko ang maaksiyon mong mundo! Malandi lang ang isang iyon at hindi armas ang kalandian laban sa nakaambang panganib para sa kanya." Bahagya kong sinuntok ang dibdib ni Felan upang magising siya sa kagaguhang binabalak niya. Kahit hindi kami magkasundo ni Jella ay ayaw ko namang mapahamak ang isang iyon! At ayaw ko ring lumalapit

