"YOU CAN'T MARRY HER!" Natigilan kaming lahat at sabay-sabay na napatingin kay Mommy dahil sa malakas nitong sigaw. "Felan, Jella is your girlfriend! How could you do this to her?" gilalas na tanong pa nito kay Felan. Malakas na tumikhim si Rusca kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko may sasabihin ang gago or isasagot sa kay Mommy pero tumikhim lang pala siya upang ipakitang kumakain siya ng— popcorn? Saan niya hinugot ang isang supot ng popcorn na bitbit niya? Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay may gana pang ialok sa'kin ang bitbit niya. Mabilaokan ka sanang gago ka! Sarap kunin mula kay Tito Felan iyong basong walang lsmsn at ibato kay Rusca. "I'm sorry Mrs. Henderzon pero si Julia po ang totoo kong girlfriend," paglilinaw ni Felan. Tahimik na tumabi si Tito Felan sa

