Chapter one

1980 Words
Gabrielle's POV: "Gusto mo imasahe kita?" Tanong ko kay Aaron matapos namin kumain at nagtungo na sa kwarto para magpahinga. "Hindi na," malamig na sagot nito habang hinuhubad ang puting polo na suot n'ya kanina sa trabaho. Nakita kong hindi pumasok sa dirty laundry bag ang polo n'ya kaya naman dali-dali kong dinampot ito sa sahig at pinagpag. "Kamusta naman sa trabaho?" Tanong ko sa kan'ya habang tinutupi ang polo. "Ayos lang," tipid n'yang sagot sabay kumuha ng pangtulog na damit, "Shower lang ako," paalam n'ya atsaka pumasok sa banyo. Ilalapag ko na sana ang polo n'ya sa laundry bag nang mapansin kong may kulay pula sa bandang collar na para bang kiss mark. Mabilis ko itong pinagmasdan nang maigi at inamoy ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy na lipstick nga ito. "Aaron.." mahinang banggit ko sa pangalan ng asawa ko at nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Napaupo ako sa sahig at umiyak nang tahimik. Ang bigat nang nararamdaman ko at ang sakit sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko. Ang gusto ko lang gawin ay umiyak nang umiyak. "What are you doing there?" Napahinto ako nang marinig na bumukas ang pinto ng banyo. "Elle?" Tawag n'ya sabay lumapit. Tumayo ako habang nakayuko at nakahawak sa polo n'ya. "Let's sleep." Niyakap n'ya ako mula sa likod. Naramdaman kong tumulo ang ilang butil ng tubig galing sa buhok n'ya papunta sa collarbone ko. "Elle.." maya-maya ay naramdaman ko na lang na hinahalikan na n'ya ako sa leeg ko. "Tara na sa kama." Nang ibaba n'ya ang sleeve ng dress ko ay agad ko s'yang pinigilan. Humarap ako sa kan'ya at humakbang papalayo. "What's the problem? Ayaw mo na naman ba?" Hinawakan n'ya ako sa kamay. "Wait, why are you crying?" Napakunot ang noo n'ya. "Tell me the truth Aaron.." pinilit kong magsalita kahit na walang boses ang lumalabas sa aking bibig, "bakit may lip stick stained tong polo mo?" Tinaas ko ang polo at pinakita sa kan'ya. Natigilan s'ya saglit dahil sa sinabi at pinakita ko pero agad rin naman s'yang sumagot, "that was just a stain, Elle. Nothing more, nothing less. Ni hindi ko nga alam saan galing 'yan." "Hindi mo alam saan galing?" Nasasaktan kong ulit sa sinabi n'ya. "It was a kiss mark, Aaron! A fcking kiss mark!!" Binato ko sa kan'ya ang polo. "Nothing more, nothing less? Ano yun? Wala lang sa'yo na halikan ka ng ibang babae habang nandito ako, asawa mo?!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sigawan s'ya. I was breaking inside. How could he do this to me? "Asawa?" Tumawa s'ya nang mahina at umiling. "Asawa ba talaga kita Elle?" Para akong sinampal sa tanong n'ya. "Simula nang makunan ka, iniwasan mo ako! You left for how many fcking months? 5? 6? Nung kailangan ko ng kausap, kadamay, wala ka! Hindi mo mabigay yung mga kailangan ko." Bumalik ulit ang sakit nang pagkawala ng anak namin. "Hindi mo alam kung bakit ako umalis.." sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "It was because of your mother, Aaron! Kung ikaw lang nasa paa ko nung mga oras na iniiwan mo ako dito. Kung nakikita at nararamdaman mo lang lahat ng pagpapahirap n'ya sa akin!" "Now it's because of my mother?" Sinuklay n'ya ang itim na buhok gamit ang kamay at huminga nang malalim. "If you truly love me, you wouldn't leave me." "And if you truly love me too, you wouldn't cheat!" Kinuha ko ang mga gamot ko sa lamesa at pinagbabato ito sa kan'ya. "Stop!" Sigaw n'ya. "Kadiri ka!" Umiiyak kong sigaw sa kan'ya pabalik. "Gaano katagal mo na ako ginag*go? Simula nung hindi ko sa'yo mabigay yung kailangan mo sa kama dahil sa mental state ko?" "Elle.." tawag n'ya sa pangalan ko at nakita kong may luha na tumulo sa mga mata n'ya. Bakit parang s'ya pa ang mas nasasaktan sa amin? "Sino yung babae?" "You don't need to know-" "Sino nga?!" "Fine. Si Criza." Nang marinig ko ang pangalan ng babae ay napapikit ako nang madiin at napasandal sa lamesa. "Best friend ko pa talaga.." mahinang sambit ko. "Elle, please.." nang humakbang s'ya papalapit sa akin ay umatras ako. "Huwag kang lalapit sa akin at lalong huwag na huwag mo akong hahawakan. You're disgusting, Aaron.." mabilis akong lumabas ng kwarto namin at saktong nakasalubong ko si Tita Rita, ang mother-in-law ko. "What's happening, Gabrielle? Gabi na pero ang ingay-ingay mo!" Galit nitong saad. "At bakit ka na naman umiiyak? Nagpapaaawa ka na naman ba kay Aaron?" "Ma!" Rinig kong saway ni Aaron kay Tita. "Ano bang nangyayari kasi?" Nakataas na kilay nitong tanong. "Huwag ho kayong mag-alala. Hindi n'yo na kailangan pang makita ako rito araw-araw.." humimga ako nang malalim at lumingon kay Aaron, "I'm going to file a divorce." ~ Criza is my college best buddy. Kaibigan ko na s'ya nang makilala namin si Aaron sa University. Niligawan n'ya ako ng isang taon at naging kami hanggang sa gumraduate kaming tatlo at dito ko lang rin nalaman na hindi lang basta basta mayaman ang pamilya ni Aaron, isa rin pala s'ya sa possibleng magmamana ng Luyi Company na inapplyan namin ni Crizia. Agad kaming nakapasa doon dahil na rin siguro sa connections. Araw-araw ay nakikita ko si Aaron doon pero lowkey lang ang relasyon namin sa office dahil hindi naman namin gustong mapag-usapan. Hindi nagtagal ay nalaman namin ni Aaron na buntis ako at dahil dito ay pinakilala n'ya na rin ako sa nanay n'ya. Masungit ito at hindi ako nagustuhan dahil mahirap lang ang pamilya ko. Wala na ang tatay ko, namatay ito noong college student ako at may bago nang ka-live in ang Nanay ko. Si Tatay lang naman ang may gusto sa akin kaya simula nang mawala s'ya ay palagi nang mainit ang ulo ng Nanay ko sa'kin. Kaya noong dumating si Aaron sa buhay ko, sobrang saya ko. Pinaramdam n'ya sa akin kung gaano n'ya ako kamahal at kung gaano ako kaimportante sa kan'ya. Tiniis ko lahat nang pagpapahirap ni Tita Rita sa akin hanggang sa ikasal kami kaso makalipas ang apat na buwan ay.. nakunan ako. "Pabaya kang Ina!" "Ni hindi mo man lang maalagaan ng maayos ang anak n'yo sa sinapupunan mo, paano pa kaya si Aaron?" "Hiwalayan mo na ang anak ko tutal wala naman na ang baby. Iyan lang naman ang rason kaya ka pinakasalan ni Aaron." Iilan lang ito sa mga sinabi ni Tita Rita sa akin noon kaya napagpasyahan kong umalis muna at na-diagnosed ako ng depression. Matapos ang ilang buwan ay bumalik ako sa bahay pero hindi na nabalik ang dating relasyon namin ni Aaron. Naging malayo na ang loob n'ya sa akin pero nanatili ako dahil gusto kong bumawi sa kan'ya. Gusto kong ibalik ang dating pagmamahal namin sa isa't isa. Nang marating ko ang apartment ni Criza ay huminto ako sa pinto at nilabas ang susi ko. Dito ako nag-stay sa loob ng ilang buwan noong iniwasan ko si Aaron. Nakiusap ako kay Criza na itago muna ako pero hindi ko inaasahan na aahasin n'ya pala ang asawa ko. Pagkabukas ko ng apartment ay walang tao sa kitchen at sala. Sunod kong pinuntahan ay ang kwarto pero wala rin s'ya dito. Nakita ko ang phone n'ya sa kama na umilaw kaya naman tinignan ko ito. Nakita kong may message ang asawa ko sa kan'ya. 'Criza, let's talk.' Napalunok ako at biglang sumikip ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ang phone at binasa ang conversation nila. Nag-scroll ako pataas at nang makitang may mga litrato si Criza na naka bra at panty lang dito ay kusang tumulo ang mga luha ko. Ang babastos ng usapan nila at may mga I love you pa rito. Dahan-dahan kong nabitawan ang phone sa kama. Sobrang nanlalambot ang buong katawan ko sa lahat nang nalaman ko. Sana ay nananaginip lang ako. Sana ay magising na ako. "She's such a naive girl." Nang may marinig akong may nagtatawanan sa balcony ay natigilan ako. "I know right? How could she be that naive? Sabagay, sobrang ingat n'yo rin naman kasi talaga." Napalingon ako sa sliding door papunta sa balcony. Rinig na rinig ko ang boses ni Criza at ni Wendy na katrabaho n'ya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila. "But your plan is progressing so fast ah." "Yep, thanks again to the antidote you gave, Wendy. Such a big help para makunan si Elle. Mabuti na lang at wala na ang baby nila." Nang marinig ko ang sinabi ni Criza ay dali-dali akong lumabas sa balcony. Napalingon sila sa akin at nakita kong gulat na gulat ang mga mukha nila. "E-elle.." sambit ni Crizia. "Anong ginagawa mo rito?" Naglakad ako papalapit sa kan'ya at malakas s'yang sinampal. "What the h*ll?!" Sigaw n'ya habang nakahawak sa pisngi. "Elle! Bakit bigla-bigla ka na lang nananampal?" Singit ni Wendy kaya naman sa kan'ya ako sunod na humarap at malakas rin s'yang sinampal. "Hayop kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanila habang pinipigilang umiyak. "Pinatay n'yo anak ko!" Agad na tinakpan ni Criza ang bibig ko. "Huwag kang maingay! Baka may makarinig!" Natataranta na sambit nito sa akin habang si Wendy naman ay tumitingin sa balcony ng mga kapitbahay. "Bitawan mo ako!" Buong lakas kong inalis ang kamay ni Criza sa bibig ko at tatakbo sana papasok sa loob nang hawakan nila akong dalawa sa braso. "Elle! Please! Listen to us!" Mahinahon na sabi ni Wendy. "You heard us wrong." "Wala na kayong dapat ipaliwanag pa dahil alam ko na ang totoo!" Siniko ko si Wendy sa tyan, napasigaw ito at tumama sa pader. "You're a Home wrecker!" Sigaw ko kay Criza sabay sinabunutan ito. "Akala ko kaibigan kita! Pinagkatiwalaan kita pero plastic ka pala!" "Sh*t up!" Sigaw nito sabay sinabunutan din ako at tinulak hanggang sa naramdaman ko ang railing sa likuran ko. "Sawang sawa nako makinig sa love story n'yo ni Aaron!" tinaas n'ya ang buhok ko dahilan para mapadaing ako sa sakit at mapabitaw sa buhok n'ya. "Ako ang naunang nagkagusto kay Aaron pero inakit mo s'ya, I had to give him up! Kaya ngayon, binabawi ko lang kung ano ang dapat sa'kin!" "Dahil lang sa lalaki?" Tanong ko sabay tumawa. "Dahil sa lalaki sisirain mo friendship natin?" Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa kan'yang bibig. I trusted her for years at tinulungan ko rin s'ya sa opportunities na meron s'ya ngayon pero ito lang pala ang igaganti n'ya sa akin? "Btch!" Sinabunutan ko s'ya uli at sinubukang itulak para makawala ako pero naunahan n'ya ako. Naramdaman ko ang mga kamay n'ya sa dibdib ko na malakas akong tinulak. Sobrang bilis ng pangyayari. Dumulas ang dress ko sa railing sa aking likuran hanggang sa naramdaman ko na lang ang napakalakas na hangin sa buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ang sarili na nahuhulog. "Elle!" Sigaw ni Criza. Tumingala akomat napatingin kay Criza. Bigla kong naalala ang pagkakaibigan naming dalawa. Sobrang bait n'ya noon at halos hindi kami mapaghiwalay na dalawa pero ano na itong nangyayari ngayon? Dahil lang sa isang lalaki kaya nahantong kaming dalawa sa ganitong sitwasyon. Kung kay ko lang ibalik ang oras.. hinding hindi ko sasagutin si Aaron. Naramdaman kong namuo ang luha ko sa gilid ng mga mata. "Aaron.." huling bigkas ko na ito sa pangalan ng lalaking pinakamamahal ko na nagawa akong lokohin. Galit ako sa kan'ya pero mahal ko pa rin s'ya. Nang tumulo ang mga luha ko ay nagsimula nang lumabo ang paningin ko. Tinignan ko muli si Criza at nakitang wala na s'ya sa balcony. Hanggang dito na lang ba ako? Napatingin ako sa langit. Iiwan ko na ang mapait kong buhay rito at makakasama ko na ang anak ko sa langit. Ngumiti ako bago pumikit at naramdamang tumama ang buong katawan ko sa malamig at matigas na sahig bago naging madilim ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD