Gabriella's POV:
After learning my sister's situation, I hurriedly went to the Philippines and now I am inside the hospital where she is currently confine.
"May I ask what is your name and your relationship with the patient?" The receptionist asked me.
"Gabriella.." I showed my Id. "I'm her twin sister."
"Her room number is 411, Ms. Gabriella."
I didn't bother answer, binilisan ko ang paglalakad at nang marating ko ang hospital room ng kapatid ko ay agad ko itong binuksan. Nakita ko s'ya na nakapikit at mukhang wala paring malay hanggang ngayon. Sinara ko ang pinto at habang naglalakad papalapit sa kan'ya ay napakunot ang noo ko.
Why isn't she wearing her oxygen?
"Elle.." mahinang tawag ko sa pangalan ng kapatid ko at mabilis na lumapit sa kan'ya. Nang hawakan ko s'ya sa pisngi ay nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang malamig s'ya. "Elle?" Gulat kong tawag sa kan'ya sabay tinapat ang aking daliri sa kan'yang ilong para tignan kung humihinga pa s'ya.
As soon as I found out she's not breathing anymore, I fall on my knees. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. This can't be happening..
"Elle.." kusang tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ko s'ya sa kamay at ginalaw-galaw ito, "Come on, why aren't you answering? Please!" I couldn't help but to cry out loud.
I don't understand what's happening right now. How could she be dead? Bakit hindi ko man lang s'ya naabutan na humihinga pa?
"Doctor! Help!" Sigaw ko at pinindot ang pulang button sa gilid para humingi ng tulong.
"Elle! Please! Gumising ka!" I held her cheek at pinagmasdan ang maaliwalas na mukha. "We still have so many plans.." umiiling kong saad. "You told me you're finally leaving your husband.. sabi mo sasamahan mo na ako sa states at tutulungan pa kita magsimula nang panibagong buhay.." niyakap ko ang katawan n'ya habang humahagulgol. "You endured so much pain here, Elle.. Ilang beses na kita sinabihang iwan ang asawa mo dahil hindi ka man lang n'ya mapagtanggol sa biyenan mo. You didn't have to go through all that.." Araw-araw ay nag-uusap kami kahit maikli lang para mag-update tungkol sa buhay namin. Alam ko ang lahat nang nangyayari sa kan'ya dito sa Pilipinas at alam n'ya rin lahat nang nangyayari sa akin sa States. "I'm sorry.." mas hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya. "I'm sorry, Elle.. I was too late."
Nang dumating ang mga doctor at nurses ay kinuha nila ang katawan ni Elle sa'kin. Nanatili ako sa kwarto habang nakaupo sa sahig at nakatulala. Sobrang bilis nang pangyayari.. I couldn't process it all at once.
"We did everything we can to save her, Ma'am. We're sorry.."
Pinaalis ko ang doctor. I told him I want to be alone for now. I was still shock and lost.
Kinuha ko ang phone ko at binasa ang huling message sa akin ni Elle 4 days ago.
Ate, nakapag-decide na ako. Iiwan ko na si Aaron and this time, I won't back off. He cheated on me. Makikipag-divorce na ako. Una pa lang tama ka.. dapat nga iniwan ko na s'ya dati pa. Gusto kong magsimua nang panibagong buhay.. please, help me.
Hindi ko akalain na ito na pala ang magiging huling mensahe n'ya. I waited for her reply but I never got one until I learned kaninang umaga lang na naaksidente s'ya. Agad akong nag-book ng flight, hoping to see my sister but instead.. ito ang bumungad sa akin.
Pinatay ko ang phone at pipikit sana nang mapansin kong may nakalaylay na plug malapit sa saksakan. Napakunot ang noo ko at mabilis akong tumayo para tignan kung para saan ito. "What.." napahawak ako rito at napatingin sa machine. It wasn't working and hindi ito bigla-bigla matatanggal sa saksakan. Someone had to remove it.
Napatingin ako sa puting kurtina na nilipad ng kaonting hangin galing sa balcony. Naglakad ako papalapit rito at nakitang nakabukas ng kaonti ang sliding door. Sinubukan kong tignan ang ilalim ng building pero masyado itong mataas at madilim. Puro kotse lang rin na naka-park ang nakikita ko.
"What am I even thinking?" I took a deep breath at nang papasok na sana ako sa loob ay natigilan ako. May natapakan akong matigas. Inalis ko ang paahan ko sa sahig at nakitang may isang pares ng pearl earring dito. Mabilis ko itong kinuha at pinagmasdan ng mabuti.
A women's earring and by the look of it, mukhang authentic na pearl earring ito.
Agad akong nagkaroon ng malakas na kutob na kung kanino man ang hikaw na ito, ay s'ya rin ang nagtanggal ng oxygen ng kapatid ko at ang nag-unplug ng machine para di gumawa ng ingay pagkapatay ni Elle. I need to find out who she is lalo na't sigurado akong may kinalaman rin ang babaeng ito sa pagkahulog ni Elle sa building. I know my sister. She wouldn't end her life that easy. Someone killed my sister.
"I will find you.." mahina at seryoso kong saad habang nakatingin sa hilaw. "You'll pay for what you did to my sister."
Makalipas ang ilang oras ay nakapag-isip na rin ako at natanggap ko na rin ang pagkawala ng kapatid ko. Kinuha ko ang katawan n'ya at tinawagan ang personal assistant ko na kumuha ng iilang tauhan para mag-asikaso ng sekreto at maayos na burial. Kinausap ko rin ang Doctor at binayaran ang mga tauhan para manahimik sa pinaplano ko.
"Ms. Gabriella, are you sure about this?" Mike asked, my personal assistant in States. Sumama lang s'ya dito sa Philippines dahil nag-aalala s'ya sa mga gagawin ko.
"We have no other family and friend to mourn for her. All she has now is me. I am her family left."
"How about Mr. Aaron and Mrs. Rita?"
"Don't say those filthy name," seryoso kong sambit. "They don't deserve to mourn for Elle. They didn't even treat my sister like their own family." Those people don't deserve Elle. My sister treated them like her own family yet they treated her like a trash. Especially that old Rita, she showed no kindness to my sister.
After cremating Elle's body, nilagay ang ashes n'ya sa white urn na pinili ko specially for her.
I asked for some time alone at pinagmamasdan ko lang ang urn n'ya na napapaligiran ng puting bulaklak habang inaalala ang usapan namin noong mga bata pa lang kami.
"Ate, pag namatay tayo, anong gusto mong gawin sa katawan natin?"
"Why are you thinking about that?" Naguguluhan kong tanong,
"Wala lang, random thoughts." Sagot n'ya sabay tumawa. "Ako kasi, gusto ko ma-cremate."
Napakunot ang noo ko, "are we seriously talking about our death now?"
Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagsasalita, "tapos ihahagis yung ashes ko sa ocean or... pwede naman sa river." Napatingin ako sa kan'ya. Nakangiti s'ya habang nakatingin sa langit. Nandito kami ngayon sa rooftop ng Mary Orphanage. Kakatapos lang namin magsampay at nakahiga kami ngayon sa kahoy na upuan, nagpapahinga. "Pakiramdam ko.. pag ganon yung ginawa sa katawan ko, sobrang peaceful at saya. Pakiramdam ko... malaya na ako."
Naiyukom ko ang palad ko habang pinipigilan na tumulo ang luha. Hindi maganda ang napagdaanan ng childhood namin ni Elle. Matindi ang dinanas namin noon bago mapunta sa Mary Orphanage.
"I'm sorry.. Elle." Sa totoo lang ay hindi ako naging mabuti sa kan'ya. May kasalanan rin ako sa kapatid ko pero kahit kailan ay hindi n'ya ako sinisi. "Babawi ako.."
I will grant your wish once I found out who is your killer, Elle.
I want you to feel peaceful and free. Alam kong makakamit mo lang 'yan pagnaparusahan na ang may kagagawan sa'yo n'yan.
"I will make sure they'll pay, Elle," mahina kong sambit sabay pinatong ang huling puting rosas na hawak ko sa urn n'ya.
"Ms. Gabriella, It's time we leave," paalala ni Mike sa akin.
Nagpaalam na ako kay Elle at pinag-drive ako ni Mike pabalik sa hospital. Nagpunta ako sa hospital room ni Elle at dumiretso sa bathroom. I colored my black hair light brown just like Elle's and removed my makeup. Sunod kong ginawa ay hinubad ko ang hoodie ko at sinuot ang patient gown ng hospital.
After preparing, I stare at myself in the mirror.
Starting from now, I am Gabrielle Maxi, wife of Aaron Maxi, one of the possible heir of Luyi Corporate.