Pagdating sa may ospital ay kaagad na pumunta si Lenna sa laboratoryo at tinanong niya kung nandoon si Doktor Fuentes. "Dr Fuentes, hello! Pinapunta ako dito ni Dr. Lagman. May maitutulong po ba ako?" "Nasabi na ba ni director sa iyo na kailangan ng isang bata ang dugo mo? Nasa operating room siya ngayon pero 'di pa nasimulan dahil kulang pa ang dugo na kailangan," saad na simula ni doktor kay Lenna. "Doktor Fuentes, hindi ba puwede ang tatay ng bata?" "Puwede sana kaso mayroon problema ang ama kaya nga sila naghahanap ng puwede na magbigay ng dugo maliban sa tatay niya," banggit nito na sinilip muna kung may tao. "Anong problema po ba 'yon, doktor? Puwede ko po bang malaman ang dahilan saka ako magdesisyon!" Kun'wari kong tanong na inosente. "Nasangkot ang ama ng bata sa isang aksi

