Kasarian

2275 Words

Maaga pa nang umuwi sila Dane at Lenna sa Manila. Si Lenna ay nagdesisyon na mag paalam na sa ospital kung saan siya nagtrabaho. Si Dane naman ay suportado siya sa lahat ng kan'yang desisyon. Nasa isip ni Lenna na siya ay maari na tumulong na lamang sa libreng gamutan na binibigay ng gobyerno. "Masaya ako sa mga naging desisyon mo para sa pamilya. Sana nga lamang ay maibigay ko ang lahat nang gusto mo sa abot nang aking makakaya." Naglakad si Lenna palapit sa asawa at ito ay niyakap niya nang mahigpit. Naglalambing siya kay Dane na nakangiti lamang. "Hindi ko naman hinihingi sa 'yo ang buwan at araw kaya 'di ka dapat na kinakabahan. Ako ay 'di naman naghahangad ng yaman dito sa mundo basta kasama lamang kayo ay sapat na sa akin!" turan ni Lenna na tunay nang payapa ngayon ang puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD