Ilang araw pa si Dane bago mabigyan ng doktor niya nang permiso na makauwi. Si Troy naman ay 'di pa rin puwede na makalabas. Nang umaga na 'yon ay kung ano-ano ang pagsubok na ginawa kay Dane at ng hapon ay lumabas ang resulta. Lahat ay nakangiti nang malaman niyang makakalabas na siya. Dahil lalabas na si Dane ay puwede na akong pumasok sa aking klinika. Namiss ko na rin ito at pati ang nurse kong tsismosa. "Oh, bakit ang lungkot mo yata? 'Di ka ba natutuwa at ikaw ay makakaalis na sa apat na sulok ng kuwarto na ito?" "Hindi na kita makikita nang madalas!" nakasimangot na sabi ni Dane sa akin. "Wow! Ang heavy drama mo, para namang napakalayo ng bahay mo at bahay ko!" "Hindi mo ba mamimiss ako?" anito na nalulungkot at hindi maipinta ang mukha. "Tigilan mo na nga 'yang mga drama m

