Masakit ang ulo ni Dane para itong pinopukpuk. Nang idinilat niya mga mata ay napansin niya kaagad na wala si Lenna sa kama. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari at siya ay biglang napaiyak. Ang katotohanan wala na si Lenna ay talagang masakit sa puso niya. Hinanap niya si Albie pero hindi niya nakita. Umupo siya sa kama at inisip ang magiging buhay pa nila ni Altroy ngayon na ito ay wala na. Paano niya ito sasabihin sa anak. Masasaktan ito tiyak dahil kung kailan may ina na sa kan'ya ay nagmahal saka naman ito binawi ng Maykapal. May pumasok sa kuwarto at si Albie na namumugto ang mga mata ay nasa tabi niya. Umupo siya para ito kausapin. Kailangan niyang ayusin ang mga labi ni Lenna. Siya ang asawa at siya ang dapat na magpasya. "Kuya, ayos ka na ba ngayon?" tanong ni Albie rit

