- RINT - "Nabili na ba natin lahat, DM?" Tanong ko kay DM na may hawak ng listahan namin. Pinasulat ko sa kanya lahat ng kailangan sa bahay at nandito kami sa Supermarket para mag-grocery. It's Saturday and since half-day lang ako sa work ay nag-desisyon akong mamili dahil nagrereklamo na ang PA ko na halos wala na raw laman ang refrigerator namin. Dahil hindi pa pamilyar si DM dito sa lugar, sinama ko na muna siya sa pag-go-grocery pero kung tutuusin, trabaho niya talaga 'to, kaya nga "Personal Assistant" ko siya 'di ba? Kapag nalaman na niya ang pasikot-sikot dito sa mall, hahayaan ko na siyang mamili. "Opo, Sir," narinig kong sagot niya. Punong-puno ang isang pushcart na tulak-tulak ko. Itong mga pinamili namin ay good for one month na dahil dalawa lang naman kami ni DM sa bahay. Bu

