-DM- "Hoy! Kanina ka pa tulaley diyan, doterson. Kanina pa ako naghihintay ng sagot mo. Ano na?" Naalimpungatan ako bigla sa pang-iistorbo ni Mama Sweet sa akin. Totoong tulala ako sa kawalan, nag-iisip nang matindi. Ilang araw nang matindi ang iniisip ko, pang-anim na araw ng ngayon. "Iyan bang pagkatulala mo riyan ay may maganda ng resulta? Nakapag-isip-isip ka na ba?" Kanina pa ako nakadungaw sa bintana ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatayo at pinagmamasdan ang magulong kalsada sa lugar namin. Fiesta kasi kaya maguLo. "Opo," tipid kong sagot. Anim na araw na ang lumipas nang mangyari ang kakaibang sensasyon na pinaramdam sa akin ni Rint. Anim na araw na kaming hindi nagkikita. Anim na araw na akong nagmumukmok sa kuwarto ko, rito sa bahay ni Mama Sweet. A
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


