Chapter 10

996 Words
Nauna na akong maglakad palabas ng hotel kaya hindi ko na narinig yung binubulong niya. Alam Kong may sinasabi siya pero hindi ko narinig. . . . Oh My Gosh! Sana bukas makita ko pa yung lalaking nasa elevator hehehe. Ang gwapo-gwapo ng likod nun. Likod palang yun hah. HEHEHEH EMERGESH! . . . Namangha ako sa itsura ng resort. Sobrang daming ilaw na. At medyo malamig na din dahil gabi na. Ang ganda pala dito kapag gabi na. Madami ding tao ang nasa labas yung iba kasama ang mga kaibigan. Madami ding mga gwapo dito ngayon. Alam kong gabi na, pero parang luminaw ang mata ko kapag nakakakita ako ng gwapo. Tumitingin tingin ako sa mga kainan dito sa labas. Saan kaya kami kakain? . 'Asan na ba ang lalaking iyon?' . Lumingon ako sa likod ko para lingunin si Tyler dahil hindi ko alam kung saan ba kami kakain. Dahil inaya niya lang naman ako kanina para sabayan siyang kumain. Tapos ngayon naman ay hindi niya ako sinasabayan mag lakad dito. . . . Pagkaharap ko sa dinadaanan ko ay napa hinto ako dahil sa pagka-untog ng aking mukha. . . Tumingin naman ako sa kung anong umuntog sa mukha ko at nagulat ako dahil na untog ako sa braso ng lalaki na hindi ko kakilala. Tunignan ko ang lalaking na bangga ko. “Sorry..” sabi ko sa kanya. Napansin ko naka ngisi sya at naka taas ang kilay niya. Ano kayang iniisip nito? “Sorry again.” Sabi ko sa lalaking na bangga ko at aalis na dapat ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napa hinto ako sa pag-alis. . I look to him. “W-why?” . “Parang pamilyar ka sa’kin?” Sabi nung lalaki. . “HUH?” takang tanong ko. . Ngayon ko pa ngalang siya na kikita e. . “Diba ikaw yung…” huminto siya sa sasabihin niya at umakting na nag-iisip. “Diba ikaw yung asawa ko?” Nalukot naman ang kilay ko at nanlaki ang mga mata ko. ‘Teka ano bang sinasabi nito.’ . . “Teka, sorry pero hindi ako pumapatol sa palaka.” Sabi ko sa lalaki at nanlaki naman ang mata niya dahil sa gulat. . Nagulat ba sya sa sinabi ko? . . “HAHAHA! Palabiro ka talaga. Sa gwapo kong ito, ihahalintulad mo lang ako sa palaka HAHAHA. Halika at samahan mo na lang ako.” At inakbayan ang balikan ko. Agad naman akong nagulat sa ginawa niya. ... HINDI KAYA AKO NAG-BIBIRO! TOTOO ANG SINABI KO! ... Inalis ko ang braso niyang naka akbay sa balikad ko.“Sorry.. but I don’t know you and I have to go.” At nginitian ko siya na may halong kaplastikan! Tinalikuran ko na sya at nag simulang mag lakad. Teka nga lang asan na ba yung lalaking yun? Kaasar naman! . . "ANO NA NAMAN BA!" sigaw ko sa lalaking naka bangga ko. Hinawakan kasi niya yung balikad ko kaya napa tingin na naman ako sa kanya. "Chill.. Ang bagsik mo naman masyado. hahaha." ... "Ano bang gusto mo hah!" ... "You! i want you." "Sabing hindi nga ako pumapatol sa palaka! ang kulit mo!" Inialis ko ang kamay niya at inihagis pa balika sa kanya. "Hey, Wag ka na ngang magpa kipot. Atska hindi ba, binangga mo nga ako para mapansin kita?" Maangas na sabi ng lalaki. May pangisi-ngisi pa siyang na lalaman! Nag mumukha lang lalo s'yang palaka!Tse! Napakunot lalo ang kilay ko nang bigla niyang hinaplos ang braso ko at pinisil pisil. Sa sobrang galit ko dito ay hinawakan ko ang braso niya at hinatak patalikod. Nabigla naman ang lalaki sa ginawa ko at kahit din naman ako ay na bigla sa ginawa niyang pag hahaplos sa braso ko. Nakaka bastos kaya sa feeling ng babae kapag ginawa sa iyo yun ng hindi mo kakilala. Nang naka talikod na siya ay bigla ko siyang sinipa sa likod niya kaya naman, agad siyang tumalsik at bumangga sa puno ng buko dito sa resort. ... Hindi ko naman alam na tatama yung mukha nya duon. ... Tanga lang siguro siya at hindi siya umiwas. Napahawak siya sa mukha niya at tinignan ako ng masama. Parang gusto nya kong patayin sa galit nya. Nagsimulang mag lakad ang lalaki palapit sa akin. "Aba! Gusto mo talagang makita ang nawawalang star ni Dora hah! Sige, Ipapakita ko sa'yo." Pangaasar ko at tumawa ng nakaka loko. Kaya naman mas nakita kong na asar yung lalaki. Inangat niya ang kanang kamay niya at tangkang sasampalin ako pero agad kong binali ang kamay niya at inikot, kaya naman napa aray sya sa sakit. Inilapit ko ang bunganga ko sa tenga niya. "Hindi mo ba alam na kasal na ang babaeng binabastos mo?" Bulong ko sa kanya at itinaas ang kanang kamay para ipakita sa kanya ang singsing na naka suot sa akin. "Don't tell me gusto mong maging kabit? hahaha." Alam kong nagulat siya sa sinabi ko kaya lalo akong na tawa sa itsura niya. . . . May alam ako sa paglaban at depensa dahil nuong bata ako ay pinasali ako ng magulang ko. They want me to know how to defense my self in case of emergency, tulad na lang ng nangyayari ngayon. . . Natapos na ako sa lalaki at nakita ko naman na sumusuko na siya sa akin kaya umalis na lang ako at hinanap si Tyler. ... Asan na nga ba yun!? ... Nilibot ng mata ko ang paligid at napahinto ang mata ko ng matanaw ko si Tyler na naka tingin sa akin. Agad ko naman siyanh nilapitan. "San kaba galing hah!" sabi ko sa kanya. "I saw what you did to that man." Napakunot naman ang kilay ko. So, Nakita niya pala yung ginawa ko? Hahaha. ... "Binastos kasi ako e, kaya ayun tinuruan ko." Tumango tango lang siya at parang hindi naman siya interesado sa nangyari kanina. Naglakad na kami papunta sa kakainan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD