Tinignan niya ang larawan na inabot sa kanya ng ama niya.
"She's beautiful..." usal ng binata. At patuloy na pinag masdan ang mukha nito.
Ilang araw na ang naka lipas mula ng mag-usap ang mag-ama tungkol sa kasal. Ngayong araw naman ay may family dinner sila at makilala na ng binata ang mapapangasawa niya.
Naka upo na ang asawa at mga anak ni Miliano. Si Scarlet na lang ang tanging hinihintay para makakain na sila ng sabay-sabay.
'Ang tagal naman ata ng babaeng yun. tskkk pa importante masyado.' sabi ng binata sa isip niya.
Habang nag hihintay ay may pumasok na babae mukhang kagagaling lang nito sa trabaho niya dahil ang suotan nito ay formal. She's wearing a white coat and pants.
Napatitig ng kaonti ang binata sa dalaga, ano pa bang aasahan niyo? Maganda ang dalaga. Kahit anong suotin nito ay babagay sa kanya at mahahalata mo din ang mala-kutis mayaman nitong balat.
"Hi sir Miliano, Good evening po sa inyong lahat." at yumuko ang dalaga bilang pag respeto.
"Good evening din iha, buti na lang ay dumating ka kaagad."
"Pasensya na po sir, kasi tinapos ko pa po ang trabaho ko at wala masyadong dumadaan na sasakyan sa sakayan."
"Dont worry iha, its ok at least you came." at ngumiti ang matanda.
Hindi maiwasan ng binata na maganda ngumiti ang dalaga habang kausap nito ang ama niya. Umupo ang dalaga sa tapat ng binata at nag pakilala.
"I'm Tyler James Walker" pag-papakilala nito in cold tone voice.
napatingin naman si Scarlet at nag pakilala.
"Hi I'm Scarlet Fia Alonzo"
Habang kumakain sila ay nag tanong ang isang lalaki na katabi ni Tyler.
"Where is your family? akala ko ba family dinner? bakit wala kang kasama?"
napatigil si Scarlet sa pagkain at tumingin ito sa binatang nag tatanong sa kanya. Maayos naman ang tono ng pananalita nito at napatingin siya kay Sir Miliano.
"Wala na kong magulang" at bumalik ito sa pagkain niya nag busy-busyhan para hindi na siya ulit tanungin about sa family niya.
"oh! sorry. Na curious lang ako kaya ko na tanong." at tumango lang ang babae.
"Nako iha! kung ganon na wala kana palang magulang edi ako na lang ang tatayong nanay mo. Tutal ikakasal ka naman sa anak ko at wala rin akong anak na babae dahil hindi ako binigyan ni Miliano. Ikaw na lang ang anak ko. Ayos lang ba sa iyo?"
inangat ng dalaga ang ulo niya at tumingin sa nanay ni Tyler at tumango ito sabay ngiti.
nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap at puro tawanan na lang ang nangyayari. Hindi mapigilan ng lalaki na mapatingin at mapansin ang mata ng dalaga at mga ngiti nito.
Napapatanong siya sa isipan niya kung bakit nakaka-ngiti parin ang babae kahit na wala na itong magulang. Nalungkot kasi ang binata ng malaman niya na wala na itong magulang.
Pero hindi naman ibig sabihin nun ay may gusto na siya sa dalaga na fi-feel lang niya yung nararamdaman ng dalaga.
nag-si tayuan na sila. "Napaka bait mo at masaya kang kasama. Tamang tama at ikaw ang papakasalan ng anak ko." sabi ng ina ni Tyler.
ngumiti lamang ng pilit ang dalaga dahil alam niya na wala naman syang choice.
Inalok din nila ang dalaga na sumabay na sa kanila pag-uwi ngunit tumanggi ito.
"Nako wag na po nakakahiya na po sa inyo. Mauna na po kayo. ok lang po ako."
"Hay! nako Scarlet. sige na nga mauna na kami. Basta mag-iingat ka hah. Umuwi kana agad at gabi na." -Tyler's Mom.
umalis na sila at si tyler ay sa sasakyan niya ito sumakay. Naka sakay na din si Scarlet sa taxi pauwi sa inuuwian niya.
_______
Napahinto ang binata kasabay ng pag hinto ng sinu-sundan niyang taxi.
tinignan nito ang apartment na tinitirhan ng dalaga. Magisa lang ito sa bahay niya at wala man lang itong kasamang kaibigan o sino man sa bahay.
'tsk, delikado ang magisa.' sabi nito sa isip niya.
at pinaandar na nito ang sasakyan niya....
______
Pinatawag ni Tyler si Scarlet sa opisina nito.
Kabababa lang ng babae floor na kung saan anduon ang opisana ng lalaki.
Napatingin siya sa mga tao na tinitignan siya. Akala mo parang may Dyosang dumadaan sa harap nila kulang nalang sambahin ito.
pag pasok niya sa malaking pintuan nakita niya na agad ang lalaki na naka upo. Pina upo din siya at nakita niyang may papel at ballpen sa harap nila.
"Ok gusto ko magkalinawan tayo"
Nakikinig lang si Scarlet sa sasabihin ng lalaki.
"First, Wala tayong pakielam sa pribadong buhay ng isat-isa kumbaga kasal lang tayo ganon.
Second, Bawal magka feelings sa isat-isa.
Third, No s*x or f*****g make love. Even kiss or smack."
Tumango tango lang ang babae. Sumasang ayon naman siys dahil BASIC lang sa kanya yang mga yan.
"Fourth, ayokong may makaka-alam na ikaw ang asawa ko.
But... Fifth, Alway swear our rings. Understand?"
Tumango lang ulit ang babae.
"Pero may tanong ako. Mag sasama ba tayo sa iisang bubong? You know..?"
"well.. the answer is Yes. Don't worry, remember our rule number three. May tanong ka paba?"
"hmm Nothing."
"Good. Now sign the paper."
at pinirmahan naman ito ng babae.