Pagka tapos naming kumain ay nauna na akong bumalik sa room namin para makapag palit ng suot, suot ko pa din kasi yung damit ko kanina tapos na isipan ko din mag swimming kaya mag bibihis na muna ako.
.
.
May sari-sarili naman kaming keycard kaya pwede akong umalis or bumalik any time sa room. Binuksan ko na ang pinto at dumiretso sa kwarto namin. Kinuha ko ang dalawang pares ng two piece na kulay itim. Sinuot ko na ang two piece swimsuit at nag lagay din ako ng sunblock lotion sa aking palad at ipinahid sa buong katawan ko at ng matapos akong mag sunblock ay kunuha ko sa maleta ang shades ko na bagay na bagay sa suot ko.
.
.
.
Tumingin ako sa salamin at na mangha din ako sa sarili kong katawan dahil halatang halata ang curve sa katawan ko at lalong bumagay sa akin ang suot kong two piece dahil sa sobrang puti ng aking balat tapos ang aking mga malalaking dibdib na sina susan at sussy ay talagang makalaglag panga!
.
.
Sobrang tagal kong itinago ang katawan ko. Kaya naman ngayon ay proud ako sa sarili ko dahil hindi ko na pabayaan ang katawan ko. Lumabas na ako ng hotel namin wala din akong suot na cover up talagang swimsuit lang. Inilibot ko ulit ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta nito.
.
.
.
Nag lakad na lang muna ako papuntang dagat napansin ko na madaming mga mata ang naka tingin sa akin pero keri lang beach naman ito kaya hindi ako mag aalangan na hindi sila mapa tingin sa maganda kong katawan.
.
.
.
Hindi ko rin maiwasan na tumingin tingin sa paligid dahil baka makita ko sila Layla at Greg. Gusto ko din kasi ng may kasama ngayon dito. Naglalakad lakad lang ako sa gilid ng dagat - tanging mga paa ko lang ang na aabot ng tubig kaya ang sarap sa pakiramdam. Minsan nga habang nag lalakad ako ay medyo na a-out of balace ako dahil sa malakas na hampas ng alon pero tinitibayan ko ang mga paa ko para hindi matumba.
.
.
.
Sa di kalayuan ay na kita ko ang ibang empleyado na lumalangoy sa dagat, mag nag babasaan sila at bakas din ang saya sa mga mukha. Nakita ko din na naduon si Greg at Layla kaya binilisan ko ang lakad ko para lapitan sila.
Nang makalapit ako sa kanila ay tinawag ko ang mga pangalan nila, hindi pa kasi nila ako na papansin dahil nag lalaro sila ng tubig.
"Layla! Greg!" sigaw ko sa pangalan nila. Ngunit hindi parin nila ako naririnig kaya sinigaw ko ulit ang pangalan nila.
"Greg!"
"Layla!"
At sa wakas ay nilingon ako ni Layla at nag tama ang mata namin. Si Greg namab ay hindi parin ako naririnig o nakikita kaya kinalabit ni Layla si Greg para ituro ako na nandito ako. Lumapit naman silang dalawa sa akin.
.
.
Ang ganda din ni Layla medyo maputi siya at naka suot ng one piece na kulay pink at merin din itong manggas habang si Greg naman ay naka shorts na pang dagat lang kita mo din na talagang matcho si Grey dahil ang laki ng biceps at may pa pandesal! Nako kung hindi ko lang kaibigan to e, baka napag pantasyahan ko na. Pero syempre babae ako at hindi ako dapat nag iisip ng ganon. Pero kasi mabait naman si Greg kaya kung minsan ay hindi na ako mag tataka kung si Layla at Greg ang magkatuluyan. Parehas naman silang mabait, maganda at gwapo, may maayos na trabaho - kumbaga ay compatible sila para sa isat-isa.
Nang makalapit sa akin si Layla ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at bakas parin sa mga bibig niya ang ngiti niya.
"Wow! ang ganda mo naman at ang sexy!" hinawakan pa ni Layla ang braso ko at inalog alog ako sa sobrang saya niya. "Hindi ko alam na may tinatago ka palang ganyang katawan! Tignan mo ang curves mo at OMG! bagay na bagay sayo itong two piece mo!"
Hindi ko naman mapigilan na mahiya dahil kasama namin si Greg at alam kong na ririnig niya ang mga sinasabi ni Layla. Lalaki si Greg kaya medyo na hihiya ako.
"Ano kaba naman, ikaw din kaya tignan mo ang ganda ganda mo lalo diyan sa suot mo. Sigurado akong madaming lalaki ang titingin sayo dahil maganda ka." sabi ko naman sa kanya. Totoo naman na maganda siya at lalo siyang gumaganda ngayon dahil sa suot niya na bumabagay sa kanya.
"Tara! sama ka na samin. Balak kasi namin ni Lay. na pumunta duon sa dulo." sabay turo duon sa medyo malayong lugar na dulo ata ng resort na ito. "Gagala gala lang tayo para malibot natin yung beach." Sabi ni Greg.
"Oo nga, tara sama ka na sa amin. Para naman may kasama ka din dito."
"O sige ba. No problem. Tara na." naka ngiting sabi ko sa kanila at kinapitan naman ni Layla ang braso ko. Nasa gitnan namin ni Greg si Layla pero sakin lang naka kapit si Layla.
.
.
Nag lakad lakad lang kami pa punta duon sa sinasabi nila. Naka yapak lang kaming tatlo, ang sarap sa paa ng mga buhangin na naaapakan ko di ko mapigilang ngumiti dahil ang saya ko. Ewan ko, pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Natigilan ako sa mga pinag iisip ko ng mag salita si Layla.
"Nga pala, Ate Scarlet nasaang room ka pala nag iistay? Bakit hindi ka na lang sumama sa room ko?" Tanong ni Layla.
Napatingin naman ako sa kanya halatang curious siya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong idahilan sa kanya para mapaniwala ko siya.
"Ahm.. kumuha kasi ako ng sarili kong room. Nahihiya kasi ako kapag mayroong ibang kasama sa iisang room." pag dadahilan ko at iniangat naman ni Layla ang mukha niya sa akin at tinignan ako, napansin ko na niliitan niya ang mata niya.
"So na hihiya ka sa akin ata Scarlet?"
Ano ba naman tong babaeng to ang daming tanong. "Hindi naman ako masyado na hihiya sayo. Na hihiya ako sa ibang empleyado na makakasama natin sa iisang room tsaka hindi ko naman close ang iba duon."
"Kahit na ate, pwede mo naman akong isama sa room mo para mag kasama tayo diba?"
Nako po! itong si Layla na to ang daldal. Sino ba nanay nito?
"Mag vi-video call pa kasi kami ng asawa ko mamaya alam mo naman diba baka ma miss ako nun kaya kailangan ko ng private room na kami lang ng asawa ko ang makakarinig ng pag-uusap namin." Ayan hah! kapag hindi parin umepekto ang pag dadahilan ko ay ewan ko na lang talaga.
"Ang sweet nyo naman ng asawa mo, ate Scarlet."
Nginitian ko naman ito dahil sa sinabi niya na gusto ko na lang din talagang matawa.
.
.
.
Sawakas ay naka-rating na kami sa dulo ng resort masyadong maganda dito at wala masyadong mga tao dito. Maganda rin mag picture- picture dito dahil sa ganda ng mga nag lalakihang mga bato na naka palibot. Inilibot ko ang mata ko at pinag masdam ang mga tao. May mga mag jo-jowa na nandito at yung iba naman ay sa tingin ko kaibigan ang mga kasama nila.
Napa hinto ako sa pagmamasdan sa paligid ng tawagin na naman ako ni Layla "Ate Scarlet, Mag post ka duon oh, pipicturan kita dali!" Hinatak na naman niya ako at dinala sa unahan ng dagat. "Ayan, Luhod ka ate Scarlet tapos itaas mo yang mga kamay. Oh diba! para kalang din model ng Victoria Secret. Pak! na pak! ang kaseksihan."
Nuong una ay hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinasabi niya pero ginawa ko na lang din and I don't know why? kapag kasama ko talaga sila feeling ko ang dali kong ma-uto.
Pinag post pa niya ako ng iba't ibang post dahil masyado daw akong hot tignan sa suot ko. Tulad nga ng sinabi ko ay hindi ako maka tanggi kapag sila ang kasama ko at hinahayaan ko lang sila minsan mag decide for me. Nang matapos na ang pag kuha ng larawan sa akin ni Layla ay tumayo na ako sa buhangin at yumuko ako para pagpagan ang mga buhangin na nasa legs ko.
.
.
.
Pagkatapos namin mag libot-libot ay naisipan kong bumalik sa hotel para magpalit ng suot dahil bandang alas kwatro na ng gabi at medyo mahangin na. Habang nag lalakad ako napa isip ako kung ano kayang ginagawa ng lalaki na yun?.
.
.
Sumakay na lamang ako sa elevator ako lang din mag-isa sa loob at pag baba ko ay agad akong dumiretso sa room namin. Pag bukas ko ng pinto ay agad naman akong na gulat dahil nasa harap din s'ya ng pintuan mukhang lalabas ata s'ya.
"Ay s**t!" Sigaw ko at napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang gulat.
.
.
Napatingin naman ako sa mata niya na bakas din ang pagka-gulat pero tahimik lamang s'ya napansin ko na bumaba ang tingin niya sa dibdib ko at napatakip naman agad ako.
"Ano yang suot mo? Lumabas ka ng naka ganyan!?" Inis na tanong niya. At nag taka naman ako dahil sa tono ng pananalita n'ya ay para bang na iinis din s'ya sa suot ko.
"Oo bakit, may masama ba sa suot ko?" Matapang na sagot ko.
"Fck! You're a married woman!" Sigaw niya sa akin at agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.
"Yes! i am married woman but it doesn't mean na bawal ako mag-suot nito. Dahil unang una kasal lang tayo sa papel at hindi natin mahal ang isat isa!" Inis na bulyaw ko sa kanya at bakas din sa mukha niya ang lalong inis dahil sa sinabi ko.
Maya-maya ay sinarado niya ang pintong naka bukas sa likod ko at isinandal ako sa pinto habang ang isang kamay niya ay naka harang sa gilid ng mukha ko at kabilang kamay naman ay naka hawak na sa bewang ko.