“Pare, I have an exciting news for you,” ani Fred ng sagutin niya ang telepono. Napataas ang kilay ni Henry. Nararamdaman niya ang kasiyahan ng kaibigan hanggang sa may opisina niya sa hotel at bigla ay na-curious siya sa sasabihin nito. “And what is it?” tanong niya. “She’s here, Pare!” bulalas nito. Naririnig pa niya mula sa kabilang linya ang nililikhang ingay ng mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. “Who?” nagungunot ang noong tanong niya sa kaibigan. “The innocent woman from Dhane’s bar! Remember her?” pagpapaalala nito sa kanya. Napahugot naman siya nang malalim na hininga sa sinabi nito. He didn’t know that Liana’s boss will turned out to be his friend, Fred. Walang nabanggit sa kanya ang dalaga kung saan ito magtatrabaho kahapon. She just said that she’s hired and noth

