#month later
Niyaya ako nila Shane sa mall. Masaya kameng naglalakad sa mall tawanan at harutan lang kame. Ito kasing dalawang to pag ito kasama naku Sobrang gulo...
Lyn maiba ako kamusta na pla kayo ni boss Alex? Tanong ni Shane.
OK lang nanliligaw padin.
Ano ibig mong sabihin nasa ligawanan status padin kayo.
Huy ang ingay mo naman kailngan sumigaw?
Eh kasi naman Lyn napaka tigas mo naman pinahihirapan mo si boss.
Ano kba Adrian magsasawa din yan...
Pero alam nio mahal ko narin nmn si Alex eh.. Pero takot ako sumugal ih.
Lyn ano kaba kung Hindi mo susubukan Hindi mo malalaman sagot ng kaibigan Kong bakla.
Wag kang iiyak pag isang araw Hindi na mag paramdam sayo si boss dahil Meron na syang pinopormahan... Oh Meron na syang sinusuyong Iba.
Mga bhesy don ko malalaman kung gano sya katatag at kung gano nia ako ka mahal.... Wag kayong mag alala malapit na sasagutin ko na sya..
Aba dapat lang Lyn.
2 days ko na nga Hindi nakikita yun walang paramdam miski tx or call wala.
Bka busy kasi marami tayong gawa ih. At tsaka balita ko hindi daw pumasok.. Baka nag papamiss sayo bhesy. Hahaha
Pero totoo na miss ko ang kakulitan non 2 days ko ba naman Hindi nakikita at walang paramdam.
Pag pasok ko sa bahay nagulat ako. Oh Alex ano ginagawa mo dito?
Hindi mo ba ako na miss bheb?
Haisst Alex naman ano kaba marinig ka ni nanay.
Eh bakit ano naman na miss kita ih
Bakit kaba hindi napasok?
Ah E wala nagka emergency lang.bheb 1 month ako mawawala uuwe ako amerika.
Nakatahimik lang ako at walang kibo.
Ang sarap pakinggan tawagin Kang bheb kahit wala naman kayong.. Pero balak ko na syang sagutin kaso 1 month pala syang mawawala. Tska ko nlang sya sagutin pag nakauwe na sya dito. Sabi ng isip ko..
Bheb bakit ka tulala. Ayaw mo ba ako umalis sabihin mo lang at pakikiusapan ko si daddy na hindi ako pde. O mas sabihin kong Hindi ako pinayagan ng bheb ko.
Hoy ano kaba idadahilan mo pa ako. Baka maya emergency yan..
Yun na nga bheb ang pinunta ko dito gusto ko mag paalam sayo ng maayos. At tatanungin ko rin sayo may pag asa ba ako bheb. Para alam ko na bukod sa company Merong ikaw na ba balikan ko. Hindi ko din alam ang biglang pag papauwe sakin ni daddy sa amerika. Gustohin ko man na hindi ako umuwe eh kinukulit ako ni mommy. My problema lang daw na dapat maayos at ako lang ang makakaayos non... Ayaw nila sabihin sa cellphone gusto nila sa personal. Bheb Pls answer me?
Hmmp alam mo Hindi ka naman mahirap mahalin totoo nga nyan nakuha mo na ako. Kaso takot ako at maraming katanungan.. Pano kung naging tayo? Pano kung massaktan at pa iyakin mo lang ako. Pano kung katulad ka rin ng tatay ko na Iwan ako... Ang hirap tanggapin pero dahil mahal narin kita. Susugal ako bheb.. Nanlaki ang mata ni Alex ung tawagin ko sya na bheb..
Bheb pakiulit.
Ha ang alin uulitin ko ung mahal na kita or ung bheb.
Both bheb.
I love you bheb mahal na kita noon pa. Kaso na unahan ako ng takot.
Bheb alam mo bang napakasaya ko ngayong araw na ito. Hindi ka magsisisi bheb ma minahal mo Din ako. Hindi kita sasaktan at papa iyakin.. Hindi ko pinapangako na hindi tayo magkakatampuhan kasi part yun ng relationship na pinasukan natin pero pinapangako ko na hindi matatapos ang araw na may tampuhan. Tayo sa isat isa
I love you bheb
I love you two bhe.
Masayang masaya ako kasi naamin ko narin kay Alex ang totoong damdamin ko...
Oh mga anak kumain na kayo.
Nay kanina kapa Jan.
Aba oo anak nandito lang ako sa kusina at narinig ko ang drama nyong dalawa. Kayo talagang bata kayo.anak pasensya ka na ha kung ang tatay mo ang dahilan kung bakit takot kang umibig. Anak Hindi lahat ng lalaki eh katulad ng tatay mo... Pero anak mahal naman tayo non kaso lang may minahal syang Iba. Bukod satin.
Nay hayaan na natin yun. Ikaw ang nagdadrama ih
Nakatingin lang samen si Alex.
Oh Tara na kain na tayo.
Alex iho. I pangako mo na hindi mo sasaktan tong anak ko ha. Mahal na mahal ko to.. Gusto ko pasayahin mo sya at mahalin mo habang buhay..
Nay nagdadrama ka talaga..
Syempre anak mana sayo si nanay
Nagtawana sila habang papunta sa kusina.
Si Alex welcome na welcome sya dito sa bahay halos araw araw ba naman na nndito sa bahay kala kahit hindi ko pa naman sya noon boyfriend.. Kaya nakasanayan na ni nanay na tatlo kame lagi sabay sa hapunan.
Bheb mamaya tatawagan ko si daddy sabihin ko next week na ako pupunta sa amerika.
Bakit naman bheb sabi mo emergency.
Bheb ngayon palang tayo opisyal na mag boyfriend susulitin ko muna.
Ikaw ang bahala bheb.
Pagkatapos namin kumain
Nay ako na dyan pahinga na kayo.
Ako na to anak kaya ko pa naman.
Nay kame na ni Anna dyan tutulungan ko nalang sya.
Aba sige iho. Anak akyat na ako ha. At maaga pa ako bukas.pag alis ni Alex saran mo maigi ang pinto ha.
Opo nay.
Habang nagliligpit kame ni Alex panay ang sulyap nya sakin.
Bakit bheb?tanong ko.
Wala lang hindi ako makapaniwala bheb na tayo na ang saya saya ko bheb.
Napangiti lang ako at lumapit sa kanya. Kaya bheb wag mo sisirain ang tiwala ko sayo ha. Pinagkatiwalaan kita ang Susugal ako sa relasyon natin.
Promise bheb Hindi Hindi ko sisirain ang tiwala mo. Mahal na mahal kita. Kaya hindi ko hahayaan masira kung ano man ang sisimulan natin ngayon.
Kinurot ko ang ilong nya.drama sige na gabi na gagabihin ka pa sa daan. Baka may daanan ka pang Iba daretso bahay na ha. Aba aba syempre naman good boy ata to. Ay sus ang bheb ko nag uumpisa na mag higpit. Bakit ayaw mo?sagot ko. Hindi ha yan nga gusto ko yung may naghihigpit sakin.
Ewan ko sayo bye ingat ka sa biyahe... See you tomorrow bheb.. Sabay halik sa noo at sa ilong.iloveyou
Ilove you to bheb.
Inantay ko makaalis ang sasakyan nya bago ako pumasok sa loob. Sinaran ko maigi ang pinto at bumalik sa kusina para maghugas ng pinggan.
Kinabukasan masaya akong gumising at nag gayak para pumasok sa trabho. Narinig ko nalang ang boses ni nanay na may kausap...
Sino kaya kausap non ang aga aga.
Anak dalian mo at nandito na sundo mo.
Rinig Kong sigaw ni nanay.
Dali dali ako bumaba.
Good morning bheb bati ni Alex.
Good morning to bheb. Bakit nandito ka?
Para sunduin ka. Sabay na tayo pasok.
Hindi pa ako tapos maaga pa naman sabi ko.
Hintayin kita bheb
OK. Wait lang
Nagmamadali akong umakyat nagsuklay at nagsapatos lang ako.at kinuha ko na ang bag ko. At nagmamadaling bumama.
Bheb wag ka mag madali.maaga pa naman.
Eh kasi ikaw Hindi mo naman sinabi ka gabi na sabay tayo pumasok.
Napangiti lang sya sakin...
Tara na para makapag almusal pa tayo.
Dito na kayo mag almusal at maaga pa naman alas 8 pa time nyo.singit ni nanay. Nag luto ako ng almusal.
Hinanda ni nanay ang pinggan namen
Sinangag, itlog, tuyo ang laman ng lamesa.
Nay mukang tataba ako dito ha. Lagi ko ng susundin tong bheb ko..
Napatawa lang si nanay. Kape gusto mo.opo nay OK lanh po ba? Abay oo naman iho.
Masaya ako at magkasundo si nanay at si Alex.
Hindi na namen namalayan ang oras kasi habang nakain kame si nanay kwento ng kwento..
Hala bheb 7:30 na. Nay alis na kame Hindi na kita matutulungan mag ligpit.
OK lang anak mag ingat kayo sige na baka malate ka pa.
Bye nay
Alis na po kame nay Saad ni Alex.
Ingat kayo.