Chapter 2

1007 Words
Chapter 2 "Lucas," ulit niya habang nakangiti, para bang hindi siya guni-guni. Napatingin ako sa kamay niyang nakaabot pa rin sa mesa. Ang linis ng kuko, ang lambot tingnan ng palad. Hindi ako sanay makipagkamay, lalo na sa lalaking mukhang pang-leading man. Pero sige na nga, may 100 days lang ako, ‘di ba? Inabot ko rin ang kamay niya. Mainit. Parang may kuryente. Na parang gusto kong umorder ng defibrillator just in case. “Cathy,” sagot ko. “Nice to meet you, Cathy. First time mo rito?” tanong niya habang iniiwas ang baso ng tubig para ipwesto ang sarili sa harap ko. Napangiti ako ng pilit. “First time kong uminom ng cocktail na lasang broken dreams, so yes. First time.” Tumawa siya. Yung tawa na hindi pilit, at hindi rin bastos. Nakakainis kasi parang nawi-wholesome ang gabi ko bigla. “Pwede ba kitang samahan?” seryoso niyang dagdag. “Eh umupo ka na nga, kanina pa,” biro ko, sabay tungga ulit. Habang nag-uusap kami, napansin kong hindi siya katulad ng ibang lalaki sa bar. Hindi lasing, hindi naghahanap ng one-night stand vibes, at hindi rin yung tipong may pa-pick up line na corny. Tahimik lang siyang nakikinig, nakatitig na parang interesado talaga. Kinabahan ako. ‘Tangina, Cathy, baka ma-fall ka. Bawal ka ma-fall, may taning ka na!’ Pero heto ako, sumasayaw ang puso kahit nakaupo lang. “Alam mo, Cathy,” bigla niyang sabi, “may aura kang iba. Hindi ko alam kung bakit parang… may lungkot sa likod ng ngiti mo.” Boom. Sapul. Para akong na-strip nang walang kahanda-handa. Napatawa ako para takpan ang kaba. “Wow, psychic ka ba? Gusto mo bang hulaan kung ilang araw na lang akong may buhay?” Natigilan siya. At ako? Natahimik din bigla. s**t. Bakit ko nasabi ‘yon? Napatingin siya sa akin, seryoso ang mata. “Anong ibig mong sabihin?” "You can trust me, Cathy. Tell me… may pinagdadaanan ka ba? Kasi sa mga sinabi mo kanina, alam kong hindi lang biro ‘yon," seryoso niyang sabi, nakatitig diretso sa akin. Napalunok ako. Diyos ko, bakit parang interrogation ‘to? Akala ko mag-iinom lang ako tapos uuwi lasing. Pero heto ako, parang nasa drama anthology bigla. Nagpanggap akong kalmado. Nagkunwaring nagkibit-balikat. “Pinagdadaanan? Oo naman. Pinagdadaanan ko ‘yung bartender kasi nauna siya sa’kin sa CR line kanina.” Napakunot-noo siya, pero natawa rin ng bahagya. “Cathy…” Ayun na naman, yung tono niyang parang guidance counselor na hindi ko naman hiniling. Napatingin ako sa baso ko—konti na lang laman, parang buhay ko rin. “Look,” ngumiti ako ng pilit. “Hindi naman ako tipong nag-o-open up sa lalaking kakikilala ko lang sa bar. I mean, hello? What if serial killer ka?” “Kung serial killer ako, hindi ba dapat takot ka na? Pero heto ka, kumakaway pa.” Hindi ko napigilang matawa. Hayop, witty rin pala si kuya. Pero kahit natatawa ako, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Gusto kong sabihin. Gusto kong isigaw na may taning ako, na sa bawat lagok ko ng alak ay isa na namang araw ang mababawas sa countdown ko. Pero natatakot akong makita ang reaksyon niya. Natatakot akong maging totoo ang lahat kapag sinabi ko. Kaya ang lumabas na lang sa bibig ko ay— “Lucas… may expiration date tayong lahat, di ba? Yung iba lang, mas mabilis dumating.” Natigilan siya. Napatingin sa akin na parang may nabasa sa pagitan ng mga salita ko. At ako? Ngumiti ulit. Yung ngiti na parang nagtatago ng bagyo. “Kaya habang nandito pa tayo, inom na lang tayo. Cheers?” Itinaas ko ang baso ko, pilit na masigla. At sa unang pagkakataon ngayong gabi… tinaas din niya ang kanya, nakatitig pa rin sa akin, parang sinusubukang basahin ang sikreto na pilit kong tinatago. Hanggang hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Siguro dahil sa tama ng alak, unti-unti nang lumalabas ‘yung mga sikreto na dapat ay sa diary ko lang sinusulat. “Alam mo, Lucas…” ngumisi ako, medyo sablay kasi naghalo ang luha at alak, “may tali na ang buhay ko. Hindi literal, ha—taning. May expiration date ako.” Natigilan siya, pero ako tuloy-tuloy pa rin. “At ayoko namang mamatay na… ano pa rin… NBSB. Virgin pa.” Napahalakhak ako na parang ako lang nakakaintindi ng joke ko. “Kaya ayan, nandito ako. Nagbabakasakaling makahanap ng… afam. Para maranasan ko rin ‘yung sinasabi nilang twelve inches sa urban legends!” Natakpan ko agad ang bibig ko matapos sabihin ‘yon. s**t, Cathy! Seryoso ba?! Si Lucas? Nakatitig lang sa akin, tila nagulat pero may bakas din ng ngiti na parang hindi niya alam kung matatawa ba o maaawa. Napatawa ako mag-isa, tapos bigla akong napatingin sa kanya—mula ulo hanggang… well, hanggang sa baba. “Pero bakit pa ako maghahanap kung…” kumindat ako sabay bahagyang yumuko, “andito lang pala sa harapan ko ‘yung hinahanap ko.” Napataas ang kilay niya. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi ako, sabay tingin sa slack pants niya na parang sinisilipan ko ng X-ray vision. “C’mon, Lucas. Aminin mo na… sure ako na at least twelve inches ‘yan.” Namilog ang mata niya, sabay natigilan. Halata ang pagpipigil ng tawa. “Cathy! Grabe ka,” natatawa niyang sabi, halatang naiilang pero amused. Ako? Humalakhak nang malakas, tapos tinakpan ko bibig ko na parang late ko na-realize ang kabastusan ko. “Omg, did I just say that out loud?! Fudge. Delete, delete, delete!” Ngumisi lang siya, at ang mas nakakainis… hindi siya nagalit. Bagkus, tumingin siya diretso sa akin, may halong biro at seryosong kislap sa mata. “Kung ganyan ka pa lasing, Cathy… baka hindi na kita iwanan.” At doon, hindi ko alam kung iiyak ba ako, tatawa, o lalong maglalasing dahil sa aking mga sinabi. Pero nasabi ko na ang dapat kong masabi kaya napapikit ako sandali upang pakamahin ko ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD