Chapter XXI: Confusion

1158 Words

Palabas na ng clinic sila Lexus at Reena. Doon ito dinala ng dalaga. Akala pa nga ng nurse ay nahihilo na naman siya. Pagkatapos lapatan ng cold compress ang labi ni Lexus ay mayroong nilagay na ointment dito para mabilis daw gumaling. Pabalik na sila ngayon sa classroom at tahimik lamang na naglalakad. Kanina pa sila sa clinic walang imikan at parang nagpapakiramdaman lamang. "Lexus, sorry uli, ha? Hindi ko talaga sinasadya," ani Reena nang nakayuko. Hindi na niya natiis ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "It's okay. Bilisan na lang natin bumalik sa classroom para pag-usapan ang project." Tumango si Reena at tahimik na muling naglakad. Mayamaya ay nilingon niya si Lexus at sakto namang nakatitig pala ito sa kaniya. Agad na nag-iwas ng tingin si Reena at binilisan ang paglalakad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD