KAKATAPOS lang ni Floura maghugas ng mga pinggan, kumuha siya ng upuan at umupo para magpahinga. "Tapos kana iha?" Tanong ni Aling Marie pagpasok sa loob ng kusina, kakatapos lang din nito nagtapon ng mga garbage bag sa basurahan sa labas ng mansion. "Opo." Ngiting sagot niya. "Sabi ko naman sayo na ako na ang bahala sa hugasan, tingnan mo napagod ka." Natawa siya. "Normal lang naman po ang mapagod." "Oo pero nobya ka ni Master, dapat nagpapahinga ka lang at hayaan mo nang kaming mga katulong ang gumawa ng mga gawain." Fake girlfriend kamo. Bulong ni Floura sa sarili. "Hayaan niyo na po ako tumulong, wala naman din po kasi akong magawa." "Hay, ewan ko ba sayo." Si Aling Marie na mismo ang nagpatalo sa awatan nilang dalawa. Napangiti nalang siya, "Nasaan na pala ang bata ko? Anong

