ILANG ARAW na ang lumipas, nasa backyard si Floura sa ilalim ng puno nagmumuni-muni. Walang magawa kundi magtanggal ng petals sa hawak nitong bulaklak. Si Aling Marie na nasa loob ng mansion sa pangalawang palapad, ay malungkot na pinapanoud lang siya mula sa bintana. "Kawawang bata..." Malungkot na bulong niya sa sarili. Alam ni Aling Marie na matagal ng nababagot si Floura na laging nakakulong dito sa mansion pero hindi lang nito sinasabi dahil alam nito na yun nga ang gustong gawin si Atello dito. Ay ang ikulong siya sa mansion, nagisip si Aling Marie bago pumunta sa office ni Atello kung saan nagpeperma siya ng mga documentaryo. Kumatok siya ng tatlong beses, "Come in." Pagkatapos marinig kay Atello ang go signal ay pumasok siya, Atello look at her, "Marie.. Is there a problem?"

