MALAKING katanungan pa rin kay Thunder kung paano kumalat sa media ang iginuhit niyang mukha ng suspek na pumatay sa magulang at dalawa niyang kapatid. Kahit na may pagdududa siya sa sarili na posibleng si Angela ang gumawa no'n bilang pagtupad sa ipinangako nito sa kaniya. "Guys, maghanda kayo dahil mayroon tayong bigating mga clients today," wika iyon ni Madam Dianne nila na pansamantalang nagma-manage ng club ni Angela. Hindi nga nila alam kung matagal pa ba babalik si Angela dahil ang pagkakaalam ni Dianne ay nasa bakasyon lamang ang dalaga. "And, guys, alalahanin n'yo na nakasalalay sa magiging performance n'yo araw-araw ang enjoyment at satisfaction ng mga kliyente. This is just a simple reminder, dahil nagmamalakasakit lang ako sa negosyo ng kaibigan ko. At para na rin matuwa si An

