Eighteen minutes later Brady parked in front of a cafe. Doon kasi nila tatagpuin si Ginang Rosal. At ilang segundo lang ang nakalipas ay lumitaw kung saan ang isang babae na nasa mid-forties na at tumayo ito sa labas ng cafe. Bigla namang naalala ni Brady ang ina nang makita niya ang aura nito. Lumapit ito sa kanila nang una silang mapansin nito. "Kayo ba 'yong katagpo ko rito? Hali kayo sa bahay namin." Agad na sumunod sila sa ginang at nang makarating sila sa bahay nito, pinapasok sila at pinaupo sa isang kumportableng sofa. Nakita naman nila roon ang isang cute na baby girl na nasa loob lang ng crib at nakatingin ito sa direksyon nila, samantalang 'yong asawa ng ginang ay nanonood lamang sa sala ng basketball. Brady could easily picture himself and Savina living in the cozy scene. Bu

