Gio's POV Lumipas ang mga araw at nagpatuloy sa panliligaw si Dev. At bawat araw ay hindi siya pumalpak na pakiligin ako. Iba run pala ang diablo na 'yon. Bakit ganon? Iba ang tama niya sa akin. Sa tuwing makikita ko siya ay parang may kuryente na umaakyat sa buong katawan ko. Kapag isisigaw ni Zander mula sa labas ng bahay na dumating si Dev ay parang may sariling utak ang mga paa ko at nagsasariling magtatakbo papalabas ng bahay. At kapag nakita ko na siya, wala na, bulta-bultaheng kuryenta na ang sumasabog sa kalamnan ko. Iba na ngayon, iba na dahil nanliligaw siya. Dahil nakikita na namin at lalong lalo na ako ang maganda niyang ugali. Kung noon ay sa tuwing makikita ko siya ay parang gusto ko nalang siya laging sugurin at upakan. Ngayon ay nanghihina na ang mga tuhod ko. B

