Gio’s POV "Oo na babaeng tarsier, nasa Altairity na pati yung sasakyan namin, nauna na si Franz.." Walang kabuhay-buhay niyang sagot at tumango ako. Tumawid na kami ng kalsada at pumunta sa Altairity. Pag pasok namin ay nakita ko kung paano pumihit ang mga ulo ng estudyante sa loob, inggit kayo ‘no? Pero hindi naman iyon pinansin ni Dev at pumunta na sa table kung na saan ang mga kaibigan namin. Sumunod na rin ang dalawang cup ng kape at cake. Buti naman alam ni Dev ang gusto ko, pero paano niya nalaman? Pero kahit ano naman ay game ako. Di naman ako mapili. Pero mas masaya pa rin kung yung favorite ko ang maiinom ko. "Andito rin pala kayo?" Tanong ko at naupo sa tabi ni Pollyn. "Ay Oo Chang, inakit ako ni papa Franz kanina.." Madayang turan ni ni Pollyn, napa tingin ako kay Fran

