Gio's POV "Takte paano na 'to?" Tanong ko sa sarili ko, natapos na kasi ang klase at simula na ng bakasyon bukas. Pa ulit-ulit akong tinetext ni Dev at pinapa alala ang parusa ko. Napaka kulit! Hindi ko naman malilimutan yung katangahan na ginawa ko! Ang hindi ko lang alam ay paano ko sasabihin kila mama ang parusa ko? Tsaka na ginawa ko 'yon. Siyempre hindi naman ako mpaparusahan kung wala akong katangahan na ginawa diba? "Ate Gio kakain na daw po.” Napa igtad ako sa pag katok ni Zander sa pinto. "Oo pupunta na!" Sagot ko at lumabas na ng kwarto na may kaguluhan pa rin na nangyayari sa aking isip. Tahimik lang kami sa hapag, wala sigurong mga chismisan ang bawat isa samin. Kasi ang tipikal namin na hapunan ay masaya at maingay. Hindi naman talaga totally na maingay. ‘Yun nga lang

