Gio's POV "Okay lang Vernon, wala 'yon." Sagot ko agad at ngumiti. Napansin ko ang hawak ko na cellphone at nakitang hindi pa rin nasagot si Pollyn sa tawag ko. Sumagot ka naman! "Sige Vernon, Ian. May pupuntahan pa kasi ako." Ani ko at nagmamadaling umalis. Muli kong idinial ang number ni Pollyn. Matapos ang apat na ring ay sa wakas at sinagot na niya ito. [Hello? Chang! Asan ka ba?] Tanong ko sa segundo na sagutin niya ang tawag. Hindi agad siya sumagot at narinig ko ang malakas niyang pag-hinga. [Hello? Chang? Ayos ka lang ba? Bakit parang hinigingal ka] Nag-aalala kong tanong. [Ah wala yun chang, napatawag ka?] Sagot niya at nakampante na ako. [Kasama mo ba si Mile? O Di naman kaya ay nakita mo siya? May itatanong lang ako ." Tanong ko sa kaniya habang nakatigil sa lilim ng

